bc

Tsirea Series | Season 1: Ikaw parin, mahal.

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
badgirl
brave
confident
instrumentalist
drama
mystery
female lead
highschool
another world
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Dalawang magkaibang panahon, dalawang parehong tao. Sila'y muli babalik sakanilang panahon kung saan lubos silang nasaktan at titignan kung maitatama ang unang isinulat at itinakda ng tadhana. Tadhana ang magiging gabay upang konektahin ang dalawang magkaibang panahon at mapagiisa ang kanilang mga puso.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
POV: Ivenz Zeffron Warren Unang Saknong: Andito ako ngayon sa ilalim ng puno kung saan nahanap ko ang babaeng mahal ko, at akala ko makakasama ko hanggang dulo. Ngunit sa unang pagkakataon ay nagkamali ako dahil isa lang pala iyong panaginip at sa ihip ng hangin ay naalala ko ang iyong matamis na labing nagsasabi "Pasensya na Ginoo at kailangan ko na mauna dahil baka ako'y makita pa" Year 2019, Andito ako ngayon sa basketball court na aming nirentahan at nakikipaglaro sa kapwa kong varsity player sa GU. "Pre pasa!" Sigaw ko at agad namang pinasa saakin ni Xen ang bola, sa ganda ng kanyang pasa ay napasok ko nanaman ang bola. Two points sabay taas ng aking dalawang daliri at sinabayan pa ng paghampas sa dibdib. Makapagyabang lang, hasdfg:'> "Nice one Warren!" ngumiti nalang ako at tumakbo na sa kabilang court, at binantayan si Sven. Nagpatuloy lang ang laro hanggang sa tumunog ang bell na naging hudyat na tapos na ang oras namin sa paglalaro. "Pasukan nanaman bukas, ano nanamang balak mo Iven? Mamaya pagpasok sa school ang linya mo nanaman ay..." Tanong saakin ni Axel, aba'y pabitin. "Ayan nanaman sila napakaingay" sabay-sabay nilang sabi. HAHAHAH oo sinasabi ko yan pero bakit ba? Totoo naman e' kapag dadaan kami ang ingay ng mga students, sigaw ng pangalan namin dito, sigaw doon. "Tsk.Totoo naman kase pre, ang ingay nila. Ano ngayon lang nakakita ng tao kung makasigaw parang mga gutom na pating?" Ani ko at tumawa naman sila "Paano naman kapag nilapitan ka ni Jannah? HAHAHAHAHA pre di ka talaga titigilan non." Ani ng isa kong kasama sa basketball "Hayaan nalang, mapapagod din yan. Inexplain ko naman na kung bakit ayaw ko sakaniya" 'yan nalang ang naiusal ko at inayos na ang aking gamit. Tumunog ang phone ko kaya't tinignan ko iyon. Inang yan? Ba't tumatawag nanaman? "Ano nanaman yon Ate!?" "Ivenz naman, hehe. Bilhan mo ko ng Mangga please? Wala si ate Mianna. Di rin ako pinapalabas ni Kuya Francis." Bumuntong-hininga nalang ako, ako lagi eh! "Oo na! Basta ipagluto mo ko ng paborito kong ulam, kapalit nitong Mangga mo!" "Sige thank you, mahal kong kapatid!" aniya at tumawa ng malakas "Madali lang naman yun lutuin. Got you bro" Binabaan ko na sya ng tawag. "Sige pre, una na ako ha. Nagpapabili pa kasi saakin si Ate ng Manga nya. Napakaarte tsk." "Sige pre! Ingat ka!" sagot nila at sumakay naman ako sa motor ko, dumaan ako sa palengke at bumili ng isang kilong Mangga — "Nay! Isang kilo nga po ng Mangga hehe, yung green po" ani ko at ngumiti naman saakin ang tindera "Ito Hijo oh" inabot ko na sakanya ang bayad at aalis na sana pero nagsalita pa sya. May edad narin ito at uugod-ugod na kaya pinakinggan ko sya. "Bakit nay? May problema po ba?" Tanong ko sakanya, ngumiti sya at sinenyasan ako na lumapit sakanya. Nagdadalawang isip nanaman ako, pero sige lumapit nalang ako. "Itatak mo sa iyong isipan na pagdating ng araw bukas ay titigil ang oras at babalik ka sa panahon kung saan lubos kang nasaktan" — Nagpaulit-ulit sa aking isip ang sinabi ni nanay. Di na ako bibili don! Nakakakilabot! Tumayo ata balahibo ko, wag naman kase ganoon! Nasa tapat na ako ng bahay at pinark ng maayos ang motor ko, ngunit paglingon ko saaking likuran ay may tumatakbong babae papalapit sa gawi ko. "Put*ngina!" Ang lutong ng mura! Babae ba talaga yan? Jusko naman, tsk. Napailing nalang ako at papasok na sana sa loob pero hinawakan nito ang braso ko. "Tulong, pasok lang ako saglit para makatago. Ayoko makita ko 'yon! Sige na" pagmamakaawa n'ya, hindi ko makita ang mukha nito sapagkat may nakabalot sa mukha nyang tela. Tinanguan ko na lang sya at pinanood na magtago sa likod ng bahay namin. Sinundan ko s'ya at nakita ko s'yang humiga sa ilalim ng puno namin sa may hardin. May mga naririnig akong sumisigaw kaya napalingon ako doon at lalabas na sana pero hinawakan ng babae ang aking kamay at hinila pababa para makaupo malapit sakanya. "Teka lang kuya, please." Kanina pa 'to hawak ng hawak ah? Gusto ba ako neto? Chos assumero. "Bigyan mo lang ako ng ilang minuto para makapagpahinga" "Elvixe!!" yan ang sinisigaw ng mga taong nasa labas, 6 na ng gabi pero medyo maliwanag parin. "Ba't ba hingal na hingal ka? Baka mandurukot ka ha? Ano ba naman yang takip sa mukha mo? Ano ka muslim?" Di ko na napigilan ang sarili ko na tanungin sya Sa halip na sagutin nya ako ay tumayo na sya at lumabas sa aming bahay. Tinawag ko s'ya pero hindi na ito lumingon, pinagmasdan ko kung saan sya umupo at pumikit. Sa pikit kong iyon ay may larawang gumuhit sa madilim na parte ng aking mata. Ikalawang saknong: Nakatingin ako sa naiwan mong kwintas sa aking harapan, mayroong pangalan na nakaguhit at ang aking tanging masasabi ay kay gandang ngalan. Sinasabi nga ba ng tadhana na ika'y aking hanapin at gawing aking kasintahan, oh Binibini. Emilia pala ang iyong ngalan. Minulat ko ang aking mata, lagi nalang ganun eh. Tuwing pipikit may maaalala, ang sabi naman ng nakakatanda "huwag ka na mag-aksaya ng panahon, sinaunang buhay mo lang yan" Tatayo na sana ako at papasok sa loob ng bahay ngunit may nakita akong papel at pinulot iyon. "Salamat" 'yan lang ang tanging nakalagay sa papel, kelan n'ya sinulat to? Ang bilis naman kumilos non o hindi ko lang napansin. 'Di ko inisip yun at pumasok na sa bahay. "Oh ayan Mangga mo" ani ko at hinagis ang Mangga sa sala "isang kilo nayan" Umakyat na ako sa kwarto at nagshower. Nagbibihis na ako ng biglang may tumawag. Ah si Xen pala 'to. "Oh?" "Sabi ng stockholders ikaw daw maglead ng opening ceremony. Ay este tayo pala hehe." Wala namang bago, tsk. "Ge" ani ko at ibababa na sana ang tawag ng biglang "Hoy pre, kausapin ka daw ni Xejiz. Oh ayan kunin mo na xej!" Hala! sobrang saya ko kasi bago ako matulog ay nakausap ko yung babaeng Mahal kooo! Makalipas ang ilang minutong paguusap ay pinutol ko rin ito kaagad upang makatulog s'ya ng maaga. "Goodnight Xeji, Sweetdreams." "Hahahaha, goodnight Iven" aniya. — Hmm.. Ang ganda ng gising ko.. Xejiii!! Makikita nanaman kita. 6:30 na pala, kailangan ko na magayos baka malate ako. Kami pa naman magceceremony ngayon. Mabilis akong naligo at nagbihis. "Morning everyone!! Morning Panget! Morning Manang Mianna!! Anong Ulam natin mga dear?" Tanong ko sakanila, ngumiti naman silang dalawa saakin bilang sagot sakin at syempre, yess!! paboritoo kooo "Mukhang maganda ang gising mo ah? May nangyari ba sa laro nyo?" Tanong saakin ni Manang Mianna. Matagal ng andito saamin si Manang Mianna, tinatawag namin syang Nanay pero ayaw nya dahil 'di naman daw nya kami anak HAHAHAHAHA. "Ang sabihin mo manang kagabi may kasama dyan sa likod sa may puno tapos pagpasok ng bahay ibabagsak pa yung mga mangga ko, tapos pagakyat sa kwarto kausap naman si Xeji?" ani ate Irene Kahit kailan kontrabida pagdating kay Xeji, tsk. Ewan ko sayo ate. "Ewan ko sayo! Kahit kailan wala kang ambag! Tsk." sagot ko at napamaang sya, tumayo sa dining table at pumunta sa gawi ko. "Anak ng! Hoy! Ivenz Zeffron Warren! Baka nakakalimutan mong ako ang nagluto ng paborito mong ulam? Wag kang kakain at magmamakaawa na makakain nito ha? Tantanan mo ko sa 'ate pabili ng sapatos' umayos ka Iven! Umalis ka na, wag ka na magalmusal at baka malate ka pa! Aba! Anong oras na! Ikaw ang magoopen ceremony diba!? Tantanan mo ko kaya bilisan mo naaaaa!!" NAPAKAINGAY! umalis nalang ako at pumunta ng school, panira ng mood amp. Nanay ka? ang ganda ng mood ko tapos sisirain mo? Galing naman tsk. Daming sinabi, sinabi pang malelate ako habang 7 palang e call time 7:50. Dumaan nalang ako sa cafe sa tapat ng GU. Nakatingin ako sa labas habang sinisipsip ang aking kape. Naisipan ko na tawagan si Axel at Xen para samahan ako dito. Tutal kaming tatlo lang din naman ang magoopen-ceremony. "Hoy" ani ko ng sagutin ni Axel ang tawag. "Ano nanaman yun loverboy?" "Punta kayo sa hipts ni Xen, tawagan nyo. Andito ako ngayon kape muna tayo" sabi ko "I'm not into coffees you know that Iven, because I'm into you." "Hoy ayos!" "Hahahaha, sige na nga. Ikaw lang naman pupuntahan ko dyan eh, sige na! Tatawagan ko na si Xen. Sama ko pa si Xejiz eh." "Ulol! Bye na nga!" Ani ko at binaba na ang tawag Nakasulyap lang ako sa labas ng hipts, isa itong cafe sa tapat ng school namin. Brrroommm Napakalakas ng tunog na iyon na nakakarindi kaya lumingon ako doon, tanginang yan ano ka hari ng kalsada? Akala mo kung sino, ano pagaari mo buong Rizal? Di ko nalang pinansin yun at tinuon ang tingin ko sa aking kape. Ilang minuto lang ay dumating na yung dalawa. "Ano ang pumasok sa isip mo at pumunta ka dito aber?" Malokong tanong ni Axel "Eh alam mo naman si Ate Irene, isang napakalaking kontrabida sa buhay ko. Hanggang ngayon hindi parin okay sakanya si Xeji, eh wala namang ginagawa si Xeji sakanya. Sa dalawang taon kong nililigawan si Xeji, wala yun na ginawang mali at ikagagalit ni ate kaso ayan parang ewan. Pagkasiging ko sa umaga, sermon agad. Sinong hindi mabubwiset don? Nakakarindi kaya. Idagdag mo pa yung ayaw nya akong pakainin ng Nilaga eh alam naman nyang paborito ko yon. Yung totoo? Tsk talaga." sunod-sunod kong sabi. "Alam mo pre kaysa magmukmok ka dyan, tignan mo na yung oras malelate na talaga tayo." Ani Xen "Tara na. Bakit ba kasi tayo nalang lagi? Porket anak at apo ng mga stockholders psh." Singal ni Axel "Kahit kailan talaga baliktad yung ulo nila." Sa may parking lot kami dumaan, doon kami sa parking slot namin pumarada at alam namang ng GU students na amin yon. Pero pagdating namin dun, anak ng. May motor! At ang nakakainis pa, motor yun nung kaninang maingay na magpatakbo na akala mo hari ng tondo! Sa inis ko ay pasipa ko itong inalis, ngunit sinamaan naman ako ng tingin ni Xen. Kahit kailan hero amp, Sana naging Captain Barbel ka nalang. "Ano ba naman yan Iven, akala ko ba bagong buhay na? Malay mo transferee yan, di nya alam na slot mo yan. Pwede ba pigil din minsan ng galit?" Ani Xen at um-oo nalang ako "Hoy" ani ng isang babaeng papalapit sa gawi namin "Anak ng, bayaran mo to! Inang yan walang magawang matino." Inangat nya ang motor ng isang kamay at itinabi ang motor. Bumalik ito saakin at inilahad ang kamay na para bang hinihingi yung pera. Napataas naman ang kilay ko. "Paano kung ayaw kong bayaran 'yang motor mo?" nangaasar kong tinig. Blangko lang ang itsura nya at binaba ang kanyang kamay "Sige na pre, bayaran mo na. Kasalanan mo rin naman kasi talaga eh" sabat ni Axel sa usapan namin "Anak ng, alam nyo ba na ang GU ay ang pinakamahal na eskwelahan dito sa Rizal? Ba't ko pa babayaran yan kung mayaman naman sya? She can buy a new one dude. Di ko narin kasalanan kung bakit pakalat-kalat yang motor nya." "T*nga" singhal ng babaeng kausap ko. Did she just call me st*pid? "Ano? Sinabihan mo akong t*nga?" Sabi ko at tumingin sya deretso sa mata ko, palalim iyon nang palalim hanggang sa magsalita na ito "Una sa lahat wala akong sinabing tanga ka. Dahil ang sinabi ko lang ay tanga, pero kung yun ang sa tingin mo sige pagbigyan na ikaw naman ang nagsabi na tanga ka. Pangalawa, di lang naman dahil sa pera nakakapasok sa mahal na eskwelahan, ano pang silbe nyang utak mo kung di mo gagamitin? Ayus-ayusin nyo naman, dahil nagmukha na kayong walang utak. Nakakahiya pa sa harap ko pa talaga." "Dami mong satsat pero wala kang batbat" tinulak ko sya ng bahagya para kahit onti ay umatras sya pero sinamaan nya lang ako ng tingin "Wag mo kong hahawakan" banta saakin pero di ako nagpatinag "Anak ng ang lakas mo ah? Hindi mo ba kilala kung sino kaharap mo ngayon?" tanong ko sakanya "Wala akong pake kung sino ka, ayokong malaman kung sino ka dahil baka kapag nalaman mo kung sino rin ang kaharap mo ngayon tumiklop ka. Ang layo ng nararating ng bibig mo, ang sabi ko ay akina ang bayad sa motor pero napunta sa pagpapakilala mo, hindi lahat ng tao interesado sayo. Naiintindihan mo?" "s**t pre! 7:45 na!! Yung opening ceremony!!" gulat na sigaw ni Axel kaya tumakbo na sila ni Xen at naiwan ako sa harap nito "Hindi pa tayo tapos, tandaan mo yan." Sa pagtakbo hindi ko maisip kung bakit ang tingin ko sakanya kanina ay lalaki. Meron syang itsura pero hindi katulad ni Xeji, humanda ka talaga sakin. Kapag ako napagalitan ng Dean bagsak ka ngayon! Hanggang sa susunod na kabanata...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.9K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook