Chapter 31 Ralix POV Pinagmamasdan ko ang payapang natutulog na si Pia. Magkaharap kaming dalawa ng higa. Hinawi ko ang buhok niyang nakatabing sa kanyang mukha. Halos kakatulog lang nito. Kung ‘di lang ito nagmakaawa sa akin na pagod na siya baka hanggang ngayong oras nagma-make love pa rin kami. Bumuntong hininga ako, tumihaya’t tumitig sa kisame. Maghihintay na lang ako. At wala akong balak na huminto hanggang wala akong naipupuntang bata sa kanyang sinapupunan. Yes, balak ko siyang gawing ina ng anak ko. Sana magiging mga anak ko. Kung ano man ang kalabasan ng pinili kong laban, atleast may maiiwan ako sa kanyang bagong pag-asa. Someone na mamahalin siya at mamahalin niya. Ang dami kong pangarap at gustong gawing kasama siya pero alam kong napakadelikado ng buhay ko ngayon. Walang

