Chapter 1
“Hoy! Liz, wake-up!” tawag ko sa girlfriend ko. Tulog na tulog ito sa backseat ng sasakyan ko. Hinanap ko ang suot niyang dress sa ilalim ng upuan at isinuot iyon sa kanya.
Napangisi ako na wala siyang suot na underwear. Makaka-isa pa ako mamaya bago kami makauwi. What a lucky man! Pero itong pantog ko– sasabog na. Dali-dali kong itinaas ang pants ko at natatarantang lumabas ng aking sasakyan. Patay ang ilaw nito kaya kahit may tao man hindi nila makikita ang ginagawa namin sa loob.
Well, sino nga ba naman ang pupunta dito sa taas ng burol sa ganito kadilim na gabi, right?
Ako lang! Hindi na kami makatiis ng girlfriend ko. Sa bar pa lang kanina naka-isa na kami sa loob ng banyo na naglikha ng mahabang pila sa labas ng banyo doon. Hindi na kami naka-abot sa city para mag-check-in sa mga hotels.
Pag-nalaman na naman ni dad ito– todo supalpal na naman ako ng mga sermon niya. Pero ano nga ba namang magagawa ko? Pinaglihi yata ako sa s*x. Mahilig ako sa masarap. Sa nakakapagod na sarap!
“F*ck!” bulalas ko nang may maapakan sa paanan ko. Kamuntikan na akong madapa. Mabilis akong tumayo at napahawak sa isang puno. “T*ng ina!” mura ko nang madamang nasa gilid na pala ito ng burol. Kaunti na lang dead end ko na. Wala nang poging Ralix sa mundong ibabaw. Tsk!
Sinimulan ko nang ilabas ang kanina pang gustong lumabas. Napatingala ako sa naramdamang ginhawa sa pantog ko.
“Maawa po kayo,”
“Bro, tirahin mo na!”
“Huwag! Patawad na! Huwag, nagmamakaawa ako.”
Mga boses na naririnig ko. Mahihina lang pero sapat na para maintindihan ko.
Ano ito, baliw na yata ako!?
“Tsk! F*cking alcohol!”
Sa dami ng mga iba’t ibang klase ng alak na ininom ko, kung ano-ano na ang naririnig ko.
“Tsk!”
What a happy night for me again!
“Ang lakas nang loob mong taluhin ako? Hindi mo ba ako kilala?” galit na boses ang sunod kong narinig.
Tsk! May dwende pa lang war-shocked din. Natawa ako sa naisip.
Pero teka– pamilyar ang boses na iyon, ah.
“Boss, tapusin mo na! Ang lakas ng loob oh–” segunda ng isa pa.
Tinaas ko ang zipper ng pantalon ko. Napatingin sa baba ng burol nang may makita akong mga tao sa ibaba. Naka-ilaw ang dalawang sasakyan nila kaya naman nakikita ko sila nang malinaw dito sa itaas.
May isang lalaking sugatan at nakaluhod sa damuhang bahagi nilang iyon. Nakapalibot naman sa kanya ang apat na lalaki. Parang nakita ko na ang isa doon base sa tindig at suot nitong damit.
“Oh, s**t!” tama nasa party iyon kanina. Sila. Napatago ako sa punong tumatabing sa akin. Hindi nila ako makikita dito kung hindi ako maiilawan ng kanilang mga sasakyan. Nilingon ko ang aking sasakyan, natatakot na gumawa ng kahit na anong ingay. Naririnig ko ang kanilang mga tawanan. Pinalangin ko na hindi magising si Lizzel, baka mag-ingay ito o pa-andarin ang sasakyan.
B-baka patayin din nila kami.
This is a crime! And I’m gonna witness it.
Napaupo ako ng dahan-dahan habang nakasilip sa ibaba. Nagulat ako at muntikan nang mapasigaw ng sunod-sunod kong marinig ang mga putok ng baril. Hindi lang isa o tatlo. Limang putok na sabay-sabay!
“s**t! s**t! s**t!” Nagtago ako sa puno, dumapa, gumapang nang kaunti para makalayo. Tinakpan ko ang ulo ko ng dalawa kong kamay. Na wala na sa aking sistema ang sanib ng alak na ininom ko kanina. Tinignan kong muli ang sasakyan ko, nagpasalamat na mahimbing pa rin ang tulog niya. Kung hindi, baka nagtitili na ito at maging dahilan para kami naman ang sunod nilang paulanan ng mga bala.
Narinig ko ang sasakyan nila, tinanaw ko sila ngunit agad din napayuko nang madaanan ng ilaw nang papaalis nilang sasakyan ang kinalalagyan ko. Sandaling na tigil ang sasakyan nila at narinig ko ang isa na nagmumura.
Pagkaalis, sinilip ko ang lalaking binaril nila na sigurado ako sa dami ng mga putok na iyon, wala na itong buhay at kung meron man– kailangan niyang madala agad sa pagamutan.
Pero sino ang gagawa noon? Walang katao-tao dito. Hindi ko na rin siya makita dahil sa sobrang dilim sa lugar na ito.
Napasandal ako sa isa pang puno. Napahawak ako sa ulo ko. Gusto ko siyang tulungan pero, pero . . .
Napamura akong muli, nakayukong naglakad papunta sa sasakyan ko. Pumasok ako doon na hingal na hingal. Pawis na pawis. Ilang sandali akong nag-isip kung ano ang dapat kong gawin. Kung aalis ako baka . . . naghihintay sila sa pagbaba ko. Kung dito lang naman kami, aabutan kami ng liwanag dito at siguradong may makakaalam na sa nangyari. Napasapo na lang ako sa sumasakit kong ulo.
“Anong gagawin ko?”
Sa huli, napili ko na lang na umalis. Kailangan. Mas safe kung aalis na kami ngayon at umuwi pabalik ng Maynila.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko. Pababa ito ng bundok kaya naman nahulog si Lizzel sa backseat ng sasakyan at na pirmi doon sa baba. Tulog na tulog pa rin siya.
Pinaharurot ko ang sasakyan ko. Mabuti na lang at walang gaanong ingay ito kung tumakbo, sinipat ko ang bawat daraanan namin baka nandoon sila at nag-aabang sa amin. Kung pwede lang na ikutin ko ang ulo ko ng three hundred sixty degrees ginawa ko na– para lang masiguradong walang sumusunod sa amin o nag-aabang sa amin pagbaba.
Dahil madaling araw pa lang, walang gaanong tao sa daan. Wala ding mga sasakyan. Nasa highway na kami ngayon pero ang kaba ko hanggang talampakan ko pa rin. Naliligo na ako sa pawis. Maya’t maya ko nililingon ang side mirror at likuran ko kung may sumusunod ba. Nagpasalamat na wala naman.
Magliliwanag na nang makarating ako sa bahay ko. Wala akong kasama ngayon dito dahil nasa pangangampanya ang mommy at kuya ko para suportahan ang daddy ko sa pagtakbo nito bilang Mayor sa San Vicente.
Oo, isa akong anak ng isang pulitiko at isa sa mga mayayamang angkan. Ang apelyido namin ay tinitingala, hinahangaan at ito– hiniling ng mga taong bayan sa aming probinsya na tumakbo ang aking ama bilang susunod na Mayor. Umaasa sila na magbabago ang takbo ng buhay doon kahit papaano.
Ngunit hindi lang pala ang ama namin ang magka-kompetensya. Kami rin ng anak ng kasalukuyang Mayor doon na si Lion– ang pumatay sa lalaki kanina sa Tagaytay.
“Sir!” napahinto ako sa pag-akyat ng hagdan. Itinaas ko agad ang aking mga kamay para sa pagsuko. Handang magmakaawa sa taong balak akong patayin.
“S-sir, okay lang po ba kayo? Sasabihin ko lang po sana na naiwan sa loob ng sasakyan ang iyong nobya.” pag-iimporma ng isa sa mga tauhan namin dito sa bahay.
Oo nga pala. Ni hindi ko na naalala si Lizzel.
Napabuntong hininga ako. Lumapit sa kanya at inabot ang susi ng sasakyan. “Ihatid niyo na lang po siya sa bahay niya, alam niyo naman ‘yon, ‘di ba?” Tumango ang lalaki. Alam niya iyon dahil minsan na akong nagpasundo sa kanya doon nang malasing ako at doon na naabutan ng gabi.
Napakamot ito ng kanyang ulo habang kinukuha ang susi sa akin kamay. Parang alam ko na kung bakit . . . dahil walang saplot pang ibaba ang babae sa loob ng sasakyan ko. Isinuot ko lang ang dress nito sa kanya. Pero sigurado akong nalihis na ito ngayon sa kanyang katawan.
Wala na akong pakialam doon, ang gusto ko lang magpahinga at kalimutan ang mga nangyari ngayong araw.