Own Me, Sirius (Magdalena Series)Updated at May 20, 2026, 06:31
I'm his tonight. He paid for my kind of expertise.
"Hey, bakit may lonely dito? Hindi ba siya masayang ikakasal ka na?" bulong ko sa groom na masayang nakikipagkwetuhan sa mga kaibigan. Halatang lasing na.
"Ralus? Problemado sa babae. Don't mind him, babe." Tinitigan niya ang mga mata ko.
"I like your eyes. Hindi ba pwedeng tanggalin mo mask mo? I'll gonna pay you more ."
Tumawa ako. Hinaplos ang magaspang niyang panga.
"Or, pwede ring extra service." Tangka niya akong hahalikan nang may maupong padarag sa kaharap naming upuan. "Tsk! Come on, man. Kalimutan mo na babaeng 'yun. She's just a call girl." Naiiling na patutsada niya. May bahagyang inis. Inakbayan niya sabay amoy sa leeg ko.
Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Ang lalaking nagpapagulo ng tibok ng puso ko. Kaharap ko ngayon, namomoblema sa isang babae. Hindi umobra ang ganda ko. Iba pala ang gusto.
Patuloy sa mababaw na paghalik sa akin ang lalaki. Hindi ko magawang umaktong nagugustuhan ko.
Nasasaktan ako. Tagal kong hinintay na makita siya ulit.
"Pwede ka naming hanapan, bro. Mas maganda pa." Nag-toast sila para sa kanya. Tahimik siyang nagsalin ng kanyang baso.
"Loosen up, man. Maaga kang mababaog niya." Biro ng katabi niya. Sinabayan iyon ng malakas na tawa.
"Kung hindi ka lang tatakbong mayor next term, iisipin ko, umiiwas ka sa possible na hurdle."
"Mr. Perfect na. Mayor pa." Hindi makapaniwalang biro ng isa pa nilang kasamahan.
"Tell me, ano bang hinahanap mo sa babaeng binabalikan mo d'un? Is she's good? Young, wild, hot?"
Sa pagkakasabi ng groom sa kanya ng huling salita, tinuro niya ako. Sinipat ang dibdib kong nakalabas ang hiwa sa gitna.
" I want her."
Lahat sila napahinto sa kanilang ginawa nang marinig ang sagot niya. Sa lahat ng sinabi nila, wala siyang sinagot kung hindi ngisi lang. Napabaling ang tingin nila sa gawi ko. At dahan-dahan binalik sa kanya.
Uminom siya sa baso nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Sa mga sumunod na oras, isang pangarap ang akala ko 'di ko na ulit mararamdaman.
Namalayan ko na lang, he's kissing me, roughly. Tasting. Teasing. And wanting.
Bawat hagod, pinapangarap ko. Siya lang.
"Missed me?"
Binuyo kami ng mga kasamahan. Tinulak siya sa likod kaya napahiwalay ang mga labi namin. Sinamaan niya ito ng tingin. Napatayo naman ang isa sabay hila sa isa sa dalawang babaeng kasama ko.
"Get a room, asshole," binato siya ng groom ng kung ano, "regalo ko na siya sa 'yo."
Ang ibig sabihin niya sa 'misses me,' alam ba niya na ako rin ang kasama niya sa Casa n'ung gabing 'yun? Alam ko napapanood niya ako mag-perform. Pero hindi ko akalain na matatandaan niya ako.
At sa pangalawang pagkakataon, nagpaubaya ako.
May rules ako. No kissing.
Pero pagsiya, tiklop buong pagkatao ko.
Sinandal niya ako sa nakasaradong pinto. Madahas bawat hagod ng mga labi niya. Ramdam ko ang gigil. Ang pagkasabik. Ang mga ipin niyang humahagod sa mapupula kong labi.
Ralus Calisto & Natasya Story
Magdalena Series book 2
*Take Me, Electra
*Own Me, Sirius