Chapter 2

1078 Words
Ilang araw na mula nang araw na iyon, wala akong ginawa kung hindi magmukmok sa loob ng kwarto ko. Dito na rin ako dinadalhan ng mga maids namin ng pagkain. Nag-aalala na sa akin ang mga parents ko. Nagtataka sa pagkukulong ko sa aking kwarto. Napa-paranoid na ako. Nawalan na ako ng tiwala sa mga tao dito sa bahay. Hindi ko sila magawang pagkatiwalaan maging sa pagkain ko. Pakiramdam ko gusto nila akong patayin. Makarinig lang ako nang malakas na tunog mula sa labas, nagtatalukbong na ako ng kumot o kaya naman sumisiksik sa kung saan ako maabutan ng sobrang takot. Minsan umakyat dito ang daddy, galit na galit. Ang akala niya'y gumagamit ako ng illegal na gamot kaya ganito ang nangyari sa akin. Hindi na rin ako pumapasok sa aking trabaho. Ang dami kong pending works. Ang dami kong dapat gawin ngunit wala ako sa sarili ko. Kahit subukan kong magtrabaho dito sa bahay hindi ko magawa. Iba ang pumapasok sa aking isipan. Hindi ako makapag-focus. Hindi ako nilulubayan ng eksenang nasaksihan ko. Paulit-ulit itong nangyayari sa aking isipan. Maging sa aking panaginip, parang nakikita ko sila. Tumatawa at ako ang nasa harapan nila. Nakaluhod at nagmamakaawa na h’wag nila akong patayin. Hindi ako makatulog, hindi makakain. Laging maliwanag ang buong kwarto ko, ayaw ko ng madilim. Natatakot ako. Pakiramdam ko nakikita ko sila sa bawat sulok ng aking kwarto at nakatingin sa akin ng masama. “Son, can mommy go inside?” Katok ng mommy ko sa labas ng aking pinto. Kanina pa sila ng mga katulong na maya’t maya kumakatok para dalhan ako ng makakain ngunit wala akong lakas para tumayo. Hanggang sa marinig ko ang pagpihit ng seradura sa aking kwarto. Agad akong nagtago sa ilalim ng makapal na kumot. Nanginginig, pinagpapawisan at kabadong nanlalaki ang aking mga mata. “Anak, ano bang nangyayari sa iyo? Bakit ka nagkakaganyan?” nag-aalalang tanong ni mommy. Umiling lang ako sa ilalim ng kumot. Natatakot pa rin. “May problema ka ba? May sakit ka ba? You can tell me, anak.” Ramdam ko ang labis na pag-aalala sa boses ng mommy ko na parang anumang oras ay iiyak na ito. Ibinaba ko ang kumot ko, na gi-guilty dahil ganito ang ibinibigay kong pag-aalala sa mga magulang ko. “Mom, sorry.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong umiyak sa balikat niya, niyakap ko siya ng mahigpit. Takot sa hindi ko malamang sakit at paghihina ang nararamdaman ko ngayon. “Ano bang nangyayari sa ‘yo Ralix? Nag-aalala na kami sa ‘yo. Ang daddy at kuya mo hindi makapag-focus sa pangangampanya.” saad niya habang hinahagod ang likuran kong walang pang-itaas na damit. Ako ang paborito ni mommy sa aming dalawa ni kuya, dahil siguro sa bunso ako. Kahit na ako ang madalas magbigay ng sakit sa ulo sa kanila ni dad. Siya ang laging umiintindi sa akin at madalas nasa akin ang panig niya. Kahit anong gawin ko siya ang nagtatanggol sa akin lalo na kung nagagalit sa akin si dad dahil sa mga katarantaduhang ginagawa ko. Mula nang mabuo nila ako, siya na ang number one protector ko. Siya ang bukod tanging hindi ako sinukuan kahit na lahat ng tao ako ang piniling mawala. “Mom–” patuloy kong pag-iyak sa kanyang balikat. “Shhh,” pagpapatahan niya sa akin. “Fix yourself, son. Hindi pwedeng ganito ka na lang, anak.” Umiling ako. Paano? Ngayon pwede akong masangkot kahit wala naman akong kasalanan. Ang kasalanan ko lang naman ay ako ang witness and I hate it! Dahil doon ito na ako. . . napupuno ng takot. Wala pa akong pinagsabihan kahit sino. Maging si Lizzel na kasama ko noong gabing iyon. Wala siyang kamalay-malay sa nangyari. Pumupunta siya dito or nagte-text ngunit wala akong balak pakiharapan siya. Wala naman siyang maitutulong sa akin. Wala silang magagawa. Nabalita sa TV ang tungkol sa bangkay na natagpuan sa burol. At isa pala itong drug dealer sa mga bar. Isa siyang brand-ambassador ng isang local brands dito sa bansa. Pero ang pinaka-inaalala ko ay may mga natuklasan sila at nahanap na mga ebidensya sa lugar. Base doon sa balita, may mga na recover na basyo ng mga inumin sa ‘di kalayuan sa crime scene. Ayaw pa nila magbigay ng impormasyon sa mga taong sangkot. Isa pa iyon sa problema ko, tinanong ko si Lizzel kung ano ang natatandaan niya ng gabing iyon, sabi niya bago kami mag-s*x, uminom muna kami ng ilang lata ng beer habang nagsasaya. Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Ang alam niya after namin mag-s*x umalis na rin kami agad doon. Hindi ko sinabi sa kanya ang lahat, knowing her, she will freaked out. Baka mas lalo lang kami masangkot sa gulo. Sinubukan kong maging normal muli ang buhay ko, gaya ng sabi ni mommy. Tumanggap ako ng mga work kahit sa bahay lang dahil sa takot na lumabas lalo na kung wala akong kasama. Kung dati, ayaw ko ng mga bodyguards na bumubuntot sa akin, ngayon mayroon na akong dalawa. Habang nasa garden ako nagta-trabaho, lumapit sa akin ang isang kasambahay namin. “Sir, may naghahanap po sa inyo.” tumaas ang tingin ko sa kanya mula sa pagde-design ko ng blueprint ko dito sa aking laptop. “Sino?” tanong ko bago binalik sa laptop ang tingin baka iyong sekretarya lang ng isa kong kliyente, bumisita para i-check kung na sunod ko ba ang gusto nilang disenyo. “Ah, sir– mga police po. Nasa sala na po sila.” Natigilan ako sa sinabi niya. Nanigas ang kamay kong may hawak na stylus pen. Nag-umpisang kumabog ang dibdib ko. Ilang sandali pa akong tulala doon nang muli akong tawagin ng kasambahay namin. Nagtataka sa naging reaksyon ko. Nang tanungin niya akong muli kung haharapin ko ba sila o papaalisin na lang niya, mabilis akong tumango. There’s no way to be afraid of. Wala akong kasalanan. Mas lalong hindi ako kriminal para kabahan. “Okay, susunod na ako.” sagot ko sa kanya, inayos ko ang gamit ko. In-open ang recorder sa aking digital watch sa aking pala-pulsuhan. Maganda ng nakaka-sigurado, tinawagan ko rin ang dalawang bodyguards ko na magbantay sa ‘di kalayuan sa sala kung nasaan ang mga bisita ko. Malay ko ba kung hindi naman talaga police ang mga ito at nagpapanggap lamang para may makuha sa akin na kung ano. Paranoid na kung paranoid. Mahirap ang sitwasyon kong hindi ko sinasadyang mapasukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD