Chapter 3

1268 Words
Dalawa silang police officers na nakaupo sa aming malaking sofa. May mga merienda nang sinerved ang mga katulong. Pinagmasdan ko sila habang nililibot nila ng tingin ang buong sala, nang maramdaman na nakatingin ako, isa-isa silang tumayo para bumati. “Good afternoon sa inyo! Have a seat.” Kinakabahan man sinikap kong h’wag ipahalata sa kanila. “Sir, hindi na po kami magpapaligoy-ligoy pa, nandito po kami para tanungin kayo kung kilala niyo si Miss Lizzel Cristobal?” tanong ng isang unipormadong lalaki na may pangalan sa kaliwang dibdib nito na SPO1 Santos. Sinipat niya ang buong katawan ko. Magkaharap kami ng upuan sa aming sala. Ang bodyguard ko ay nakatanaw lang sa amin sa may pintuan at wala kahit na ano mang reaksyon makikita sa kanyang mukha. “Yes, she is my girlfriend. Why?” sagot ko na sinulyapan din ang kasamahan niya. Nagtinginan sila ng isang beses bago muling ibinalik ni SPO1 Santos ang tingin sa akin. “Nasaan ka nang araw ng Linggo? Pwede ko bang malaman?” Kumunot ang noo ko sa tanong niya. “Linggo? Ah, bakit? May nangyari ba sa kanya? May ginawa ba siya?” sunod-sunod na tanong ko. Kinakabahan at nag-aalala sa kanya. “Nawawala po siya tatlong araw na. Kailan ba kayo huling nagkausap o may alam ka bang pwede niyang puntahan?” Umiling ako habang nag-iisip. Kinuha ang cellphone ko sa pantalon kong suot at tinignan ang huling tawag sa akin ni Lizzel. Pinakita ko iyon sa kanila. Isang linggo na ang lumipas nang huling tawag niya na ngayon ko lang din nasilip. Sunod kong tinignan ang mga text messages niya sa akin. Pinakita ko sa kanila ang maraming text messages niya na hindi ko pa nababasa at na o-open. Binuksan ko ang isa at ang huli nga ay ang nakikipaghiwalay na ito sa akin at may iba na. Isang linggo na rin ang nakakaraan noon. Ang iba dito ay ang mga tanong niya kung bakit nanlalamig ako sa kanya at bakit wala na akong time sa kanya. Mga normal drama ng mga babae kapag hindi nabibigyan ng pansin. “Eh, nasa’n ka nang gabing mangyari ang krimen sa Tagaytay killing? May nakapagsabi kasi sa amin na nakita kayo sa party kung saan huling nakita ang victim.” Matagal ko nang na plano ang sasabihin ko dito kung sakali mang may magtanong sa akin. “Yes, umalis na kami ng girlfriend ko, ni Lizzel after ng party ni Rixor. And we went to have our night with each other.” paliwanag ko, na mukha naman pinaniwalaan nila kasi parte naman noon ay totoo. “May mga nakuhang ebidensya sa burol at iyon ay may finger print ninyong dalawa ni Miss Lizzel. Sa tingin mo ba may kinalaman ‘to sa pagkawala niya? Sa tingin mo ba dapat kang pagsuspetiyahan sa pagkawala niya at sa pagpatay sa lalaking pinagbabaril sa burol?” buong lakas niyang tanong sa akin na wala man lang kakurap-kurap. Parang sigurado na siya na ako nga ang may gawa. “Pinagbibintangan mo ba ako?” tanong ko at tumayo sa aking kinauupuan. Tinitigan ko siya ng masama. Ngumisi lang ito sa akin at binalingan ang kasama na tumango naman bago may isinulat sa kanyang hawak na tablet. “Relax, Sir! Tinatanong ka lang namin. Hindi ka pa naman a-arestuhin.” Ngumisi siyang muli sa akin bago nagpaalam na aalis na. Naiwan ako doon na nakatitig sa nilabasan nilang pintuan. Tumutulo ang pawis ko sa aking noo. Tumingala ako para pakalmahin ang sarili ko. Anong nangyari kay Lizzel? May kinalaman ba ito sa nangyari? Pero wala naman siyang kinalaman doon. Wala siyang alam. Bakit siya ang nawawala at nasaan na siya ngayon? Nakaramdam ako ng takot nang sagutin ng sarili kong isip ang huling tanong ko. Hindi kaya? Kinuha ko ang cellphone ko sa sahig na nabitawan ko pala sa pagtayo kanina. Tinawagan ko ang numero niya. Ngunit naka-patay na ito. Sunod kong tinawagan ang seckretaya niya. Ilang ring lang bago nito sinagot. “Hello!” masayang sagot ng babae sa kabilang linya. “Nasaan si Lizzel?” Agad kong bungad na tanong. Narinig ko ang ilang tao na nagsasalita sa background. Nasa opisina siya. “Sir, Nawawala po siya ilang araw na po. Akala nga po namin kasama niyo siya kasi hindi ka na rin daw po pumapasok sa opisina mo.” Agad akong nagpaalam sa kanya matapos niyang sagutin ang tanong ko. Wala din siyang alam kung na saan ito. Ganoon naman si Lizzel, hindi niya sinasabi sa kanyang sekretarya kung saan siya pupunta lalo na kung hindi ito job related. Pero ang hindi pumasok ilang araw na– hindi si Lizzel ang taong iyon, she love her work. She dreamed this job. Alam ko iyon dahil nakikita ko sa mga mata niya sa tuwing kinu-kwento niya kung paano niya na abot ang propesyon niyang OB-Gyne doctor ngayon na walang kahit na anong tulong mula sa kanyang mga magulang dahil ang gusto ng mga ito ay maging isa siyang engineer gaya ng mga magulang niya. Schoolmates kami ng college ni Lizzel, nagkakilala kami dahil sa mga common friends namin. Pareho kami ng mga ilang gusto kaya madali kaming nag-click as a friend. Hanggang sa naging s*x buddy kami at kailan lang nagkaroon ng relasyon. Sinabihan ko ang mga bodyguard ko na maghigpit ng security at kung may papasok o maghahanap sa akin, hintayin muna nila ang go signal ko bago nila papasukin dito sa loob ng bahay. Kailangan kong mag-isip, kailangan kong gumawa nang paraan. Sunod-sunod na ang mga kampanya ni dad at ito nasa isang lugar kami sa aming bayan para sa kanyang ginagawang feeding program sa mga batang malnourished. Sinabayan ito ng medical mission na dapat kasama si Lizzel dito dahil isa siya sa mga doctors na pumayag sa libreng serbisyo na gagawin sa mga taong dumalo. Kahit hindi pa tumatakbo ang daddy ginagawa na niya ito, minsan ang mommy naman, binigyan nila ng mga trabaho ang ilang kababaihan dito sa probinsya namin. Sa aming pamilya ako lang ang naligaw ng landas. Si kuya na nag-aaral sa kilalang eskwelahan sa America na ngayon ay sinusuyo nilang tumakbo sa susunod na eleksyon. Pinagmamasdan ko silang masayang nakikipagusap sa mga taong naririto. Ang mom may kausap na mag-asawa. Si dad at si kuya na may kausap na mga doctor. Naagaw ang atensyon ng mga tao dito nang umingay ang lugar. Napalingon ako sa pinanggalingan. Bumalot ang kaba sa akin nang makita siyang muli. Kinakamayan nila ang ilang mga taong nakakasalubong hanggang sa makarating sila sa pwesto nila dad. Ako naman parang na tuod nang makitang ngumisi siya sa akin at may sinabi sa kanyang katabing gwardiya bago ito umalis na pumunta kung saan. “Kamusta na kumpanyero?” masayang bati ng kasalukuyang Mayor sa aking ama. “Ayos naman kumpare. Ito nagsasagawa ng libreng serbisyo sa ating mga kababayan. Napadalaw ka dito?” Nilibot ko ang tingin sa buong lugar at napa-hinto sa sandamakmak na naka-unipormeng puti na mga kalalakihang nakapalibot sa amin. “Ralix.” tawag ng isang boses na nagbigay ng kilabot sa buo kong katawan. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin. Mahigpit niya itong pinisil na may makahulugang tingin. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon doon . . . na sana nagawa ko. Hindi kami ganito magbatian dati, siguro dahil nasa isang campaign kami kaya ganoon. “Lion.” baling bating tono kong tawag sa kanyang pangalan. “Kamusta ang buhay? Kaya pa ba? Condolence nga pala sa girlfriend mo.” Nanliit ang air ways ko sa sinabi niya. Hindi makahinga. Si Lizzel?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD