Chapter 4

1748 Words
Ralix POV Inisang lagok ko ang basong hawak na may lamang alak ni daddy. Hindi ko inalintana ang mapait na lasa nito. Muli ko itong sinalinan ng laman at inisang lagok muli ito. Damn him! Pagkatapos niya gawin ang krimen na iyon ipapasa niya sa iba. Ang gago lang! Nakakalahati ko na ang mamahaling brand ng paboritong alak ni daddy dito sa bahay namin sa probinsiya. Wala silang dalawa ni mom dahil a-attend sila ng isang pa-party ng partido nila sa aming bayan. Tumanggi akong sumama dahil paniguradong nandoon din ang gagong iyon. Hindi ko kayang nasa paligid siya. Oo na! Takot na kung takot. Duwag na kung sa duwag. Ayaw ko lang madamay ang mga magulang ko sa problemang ‘di ko sinasadyang pasukan. Tama nang si Lizzel ang— Bwisit! Hindi ko naman kasalanan na nadamay siya. Wala siyang alam sa nangyari noong gabing iyon. Pero baka hindi rin, baka panakot lang sa akin ni Lion iyon. Baka wala pa siyang alam. No! Sa tono pa lang ng pananalita nito kanina alam ko ng may laman iyon. Damn! Malakas kong ibinaba ang kupita sa marble minibar counter. Naglikha ito ng malakas na tunog. “Tsk!” Umirap ako ng makarinig ng palatak sa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon kung sino mang istorbo iyon. He’s the most perfect man in our world. The luckiest, I guest. “Babae?” tanong niya’t umupo sa katabi kong upuan. “Nabalitaan ko ang nangyari kay Lizzel. Siya ba ang dahilan?” sunod niyang tanong. Inagaw niya sa akin ang hawak kong alak. Hindi ako umimik sa tanong niya, bangkus agad kong inagaw ang bote ng alak while his pouring in his glass dahilan para muli siyang mapapalatak. “Sorry, bro.” Yumuko ako at pinakatitigan ang stack na hawak. Bahagyang inalog-alog ang mala-ginto likido nitong laman. “Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Inabot niya ang bucket ng ice para lagyan ang pinaglalaruan kong baso. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, pinoproseso ang pagaamin ko sa kanya. Naghihintay nang idudugtong kong mga salita. “Wala kang kasalanan. Nawala siya dahil sa mga kasama niya ng gabing iyon. Lasing siya. At alam na ‘tin na palagi niyang ginagawa iyon. Paglasing tayo minsan . . . ‘di na na ‘tin alam ang ginagawa na ‘tin. It’s her choice, not your’s so don’t blame yourself, bro.” I know. Alam na alam ko ‘yan. Gabi-gabi kaming nasa bar. Getting drunk. Wild and let the whole night as the last night we have. Young, wild and free ika nga nila. Enjoying our nights. “Kung ginawa ko lang ang tama baka. . . buhay pa siya. Baka hindi ako nahihirapan ngayon.” O, baka patay na rin ako. s**t! Walang isinagot sa akin si kuya. Tinapik lang nito ang balikat ko. Hinayaan ako sa problema ko. Sa tingin niya siguro nagdadalamhati ako because of Liz. But, part of it, yes. Hindi naman maiiwasan iyon. She’s my friend before we had a bed relationship. Kahit na party girl siya, maipagmamalaki mo naman siya as your girl na ‘di lang sa bar nakilala. She has a stable job, good family kahit na may mga drama din sa buhay. I enjoy when I’am with her. Masaya siyang kasama at game na game sa mga bagay-bagay. Huminga ako ng malalim. Hindi niya rin naman ako maiintindihan. Hindi niya rin dapat pang malaman. Delikado para sa kanya at sa pamilya namin. Hindi ko kakayanin na madamay sila. Napapikit ako ng mariin. Muling inisang lagok ang hawak na baso. Maya-maya’y binasag niya ang tahimik na pag-inom namin. “Naiingit ako sa ‘yo?” Itinaas niya ang baso para makipag-click sa aking baso. Nagtataka man sa sinabi niya, pinaunlakan ko ang gusto niya. We clicked our glass before he continues. Siya inggit? “Kahit anong gawin mo, you made our mom proud. Nagagawa mo ang gusto mo ng walang pag-aalinlanga. Tsk!” Umiling siya sa sinabi niya. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Pinipilit niyang itago ang nararamdaman. Really? I thought. . . . Nagulat man ako sa mga sinasabi ni kuya nagawa ko pa ring pumalatak. Oo nagagawa ko nga ang lahat ng gutso ko ng walang pagaalinlangan pero nang gabing iyon nagsisi ako. Sana sa bar na lang kami sa Tagaytay hanggang mag-umaga na. Sana ‘di na kami nagpunta sa burol ng gabi na iyon. Sana inuna ko na lang ang hiling ni mom na sumama sa kampanya nila ni dad. Di’ sana hindi ko nasaksihan ang gabing iyon. ‘Di sana buhay pa si Lizzel ngayon. ‘Di sana hindi ako nagkukulong sa takot na baka malaman nilang may witness sa krimen ng gabing mangyari iyon. “Maswerte ka, kuya. Maswerte ka.” Iyon lang ang sinagot ko sa kanya bago lumabas ng minibar ng aming bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama ko. Tumulala sa ceiling at doon naghanap ng sagot sa problema ko. Nagising ako sa pag-vibrate ng cellphone ko sa tabi ko. Nakapikit pa ring kinuka ko ito ng ‘di tinitignan ang tumatawag. “You gonna die,” bungad na saad ng ‘di ko kilalang boses lalaki. Nanigas ako sa kinahihigaan ko. Nanlalaki ang mga matang napabangon ako. “Who’s this? Are you threatening me?” Imbis na sumagot ang kausap ko tumawa lang ito na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko. “Kung ako sa iyo itikom mo ang bibig mo. Baka magulat ka na lang biglang puputok ‘yan.” Muli siyang tumawa. “Sino ito? Gago ka ba?” sigaw ko. Napatayo ako sa kama. “Hello? Hello? Sino ka!?” muli kong sigaw. Gusto kong malaman kung sino siya. How dare he? Ngunit galit at kaba na lang ang naging kasama ko. Pinatay na niya ang linya. Leaving me sweating to death. Anong gagawin ko? Sino kaya iyon? Ba-bakit niya ako sinabihan ng ganoon? Muli akong napaigtad ng sabay mag-vibrate at nag-beep ang cellphone ko sa kamay ko. May pumasok na text. Ilang sandali ko muna tinignan ito. Nanginginig ang kamay ko sa takot na malaman ang laman ng text message na iyon. “Bumaba ka na. Lumalamig na ang pagkain.” Si kuya. Nabalibag ko ang hawak ko sa kama. Tumalbog-talbog ito sa malambot kong kama. Pumasok ako sa banyo at naligo sa malamig na tubig. Hinayaan kong umagos ang tubig sa katawan ko, napahikbing sinabayan ng luha ko ang umaagos na tubig. I should do something. Hindi nila ako titigilan. Alam na nilang nandoon ako ng gabing iyon. Puno ng panunuri ang mga mata ni kuya ng makababa ako sa kusina. Nakaupo siya sa kanyang pwesto’t sumisimsim sa kanyang kape. Walang ganang kumuha ako ng pagkain na nakahain sa mahabang lamesa. Lumapit ang isang katulong namin inilapag niya ang mainit na tasa ng kape ko. “What’s the shouting I heard in your room?” napa-angat ako ng tingin sa kanya. Ibinaba niya ang hawak na tasa. Umiling lang ako bilang sagot. Hindi makapagsalita. “I’m going back to Manila this day. Are you coming with me?” Isang tango lang ang ibinigay ko sa kanya. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Go back to work, bro. Tama na ang ilang buwang pagkakukulong mo.” Katatapos lang ng isang meeting ko sa isang restaurant dito sa Manila. Naglalakad na ako papunta sa parking lot ng hotel. Minura ko ang lalaking nakabunguan ko. Ang luwang ng daan, oh. Bakit ang daming tanga sa mundo? Nakasuot siya ng isang hoodied black jacket, maong pants at . . . naka-facemask ito? Pinindot ko ang remote fob ng kotse at akmang bubuksan na sana ang pintuan nito ng mahagip ng mata ko ang isang kahon na nasa harapang hood ng kotse ko. Inabot ko ang isang kulay puting kahon. May ribbon ito na maroon na maayos na nakalagay sa ibabaw. Sinipat ko kung may nakalagay bang pangalan ngunit wala. May nakaiwan kaya nito dito? Pagabi na at wala ng gaanong kotse sa loob ng parking lot na ito ng lumingon-lingon ako sa paligid. Ipinasya ko na lang na ibaba ito sa sementadong sahig ng ‘di ko sinasadyang matanggal ang takip nito. Agad nanlaki ang mga mata ko sa nakitang laman. Lumuhod ako. Hinawakan ang maliit na papel na laman ng kahon. Dumoble ang kaba ko ng mabasa ang nakasulat. A-anong? Napunta ang tingin ko sa kasama pa nitong laman. Isang dress at kilala ko ang damit na iyon. It’s from me. Binili ko iyon ng nasa abroad kami ni Liz para sa isang business trip. Naginginig ang mga kamay kong kinuha ang cellphone sa loob ng suit kong suot. Napamura ng ‘di ko mahanap ang numero ng pulisya. Habang nagri-ring sinulyapan kong muli ang sulat na nasa sahig. Pagdating ng mga pulisya agad nilang sinipat ang lugar. Maging ang kahon na nasa sahig. Kinuhanan nila ito ng mga litrato. Maging ang fingerprint. Tinanong ako ng ilang mga katanungan na paulit-ulit na lang. “May alam po ba kayong galit sa inyo?” tanong ng lalaking inbestigador. “I don’t know. Maybe.” Sa totoo lang madami. Karamihan babae at mga kuya o ama nila. “May suspekted na po ba kayong tao na pwedeng gumawa nito sa inyo?” Yeah. But I can’t say it out loud. “Kilala niyo po ba kung kanino ang nakitang damit na iyan?” “S-sa girlfriend ko ‘yan. I bet. Kung tama nga, binili ko ‘yan para sa kanya sa abroad. But I’m not so sure. Madami naman may ganyang damit, ‘di ba?” Mahabang paliwanag ko. “It’s a limited- edition Versace dress, sir.” So, akala ba niya ‘di ko alam? Napakamot ako sa sintido ko. Hindi naman tanong ‘yon. “Ano pong pangalan ng girlfriend Ninyo? Pwede ko po bang malaman?” agad na tanong niya ng makita ang reaction ko. “Lizzel Cristobal,” malungkot kong saad sa kanya. Nakita niya ang reaction ko ngunit napalitan iyon ng gulat. “Siya po ba ang OB-Gyne na nawawala weeks ago?” Tumango ako. Napalingon sa kahon na nasa sahig. Napapalibutan ito ng yellow na caution tape mula sa pulisya. Matapos ang ilan pa nilang katanungan pinauwi na nila ako. Napapikit ako sa back seat ng aking sasakyan. Paulit-ulit na lumalabas sa isip ko ang nakasulat sa maliit na papel na iyon. IKAW NA ANG SUSUNOD. I HOPE YOU ENJOY WHAT YOU SEE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD