Ralix POV
Mabilis kong nilagay lahat ng gamit sa bagpack kong dala. Napamura pa ako ng maglaglagan muli ito sa sahig. Hindi na ako nag-abala pang itupi ito ng maayos, though nakatupi naman na ito ng kunin ko sa closet. Ginulo ko lang sa pagmamadali ko kung ano ang dapat kong kunin.
Hinubad ko ang suot kong t-shirt at kinuha ang isang itim na t-shirt. Pinatungan ko ito ng itim ring hoodie jacket. Sunod ang pagsuot ng sapatos naman ang prinoblema ko. Napalingon ako sa tumunog kong telepono sa ibabaw ng kama ko. Hindi ko sinagot ang tawag na patuloy sa pagri-ring. Inalis ko agad ang sim nito at nilagay ang bagong sim na binili sa akin ng abogado ko. Sisindihan ko na sana ang on button nito nang mapahinto ako ng may mapagtanto.
Agad akong pumunta sa drawer ng banyo. Alam ko may lumang sim ako dito, eh. Hinalungkat ko lahat maging ang iba pang drawers doon. Ngunit wala. Sunod kong pinuntahan ang closet ko at doon ko nga nakita ang hinahanap kong maliit na bagay. Kay Liz ito, naiwan niya dito sa kwarto ko noon. I never thought na magagamit ko ito sa ganitong pagkakataon.
Hindi ko na kinuha ang cellphone kong ginagamit ngayon. Pinili ko na lang din ang spare phone ko. Kailangan ko mag-ingat kahit na may tiwala ako sa mga taong nakapaligid sa akin, kailangan ko pa rin mag-ingat para sa kanilang sekuridad.
Si-net ko muna lahat ng mga kailangan kong gawin sa phone ko. Sinigurado kong may laman din ang pitaka ko. Nang masigurong nasa tama na ang lahat. Kinuha ko ang bag ko’t sinukbit sa isang balikat ko. Pagdating sa hagdanan naabutan ko ang dalawa naming katulong na nagpupunas ng mga kasangkapan sa sala. Hindi ko pinansin ang kanilang mga pagbati. Nagdiretso ako sa paglalakad patungong garahe. May pagmamadaling sumasakay ako ng sasakyan ko bago ito pinaharurot sa palabas ng gate. Nagulat pa ang gwardiya namin ng sunod-sunod ko siyang businahan. May pagmamadali niya itong binuksan.
Tinungo ko ang papuntang hilaga. Doon muna ako ng ilang araw para mailigaw ang kung sino mang sumusunod sa akin. Alam ko meron, marami. Binabantayan ang bawat galaw ko. Ilang beses na ba ako nakatanggap ng death treat? Hindi ko na mabilang. Ngunit itong huli hindi ko na kaya pang masundan. Dinama’y nila si mommy! Tang ina nila! Hindi ko kakayanin kung may mangyari kay mommy o isa man sa pamilya ko. Inatake ng high blood pressure si mom ng mabasa ang nakasulat sa pinadalang package ng kung sino mang gago iyon. May kasama iyong ulo ng isang pusang itim. Alam nilang mahilig si mommy sa pusa. Hindi ko alam kung bakit nila kay mommy pinadala iyon. Napaisip din ako. Tinatatakot ba nila ako para ‘di magsalita? Bakit naman nila bibigyan ng hint ang mommy sa kinakaharap kong problema ngayon? But then again, wala silang pakialam. Mga walang puso. Ako ang iniipit nila. Ako ang idinidiin nila para sa krimeng ‘di ko ginawa. Ang galing, ‘di ba? Ang gagaling.
They probably crying in laughter right now. Ang daddy ay ‘di maipinta ang mukha ng malaman ang nangyari kay mommy. Agad siyang umuwi galing Davao para lang mapuntahan sa hospital ang mommy na agad kong isinugod nang mawalan ito ng malay pagkabasa sa papel na nakapaloob sa kahon na iyon.
R. I. P. to your most precious beloved son, Mrs. Montefalco.
Mahigpit kong hinawakan ang manibela. Dumidilim ang tingin ko sa tuwing naalala ang nangyari sa mommy ko. Damn them!
Umalis ako agad sa hospital na iyon ng masigurong okay na si mom at nasa tabi niya na ang daddy. Wala ng panahon, kailangan ko ng lumayo. Kung saan? Hindi ko din alam. Basta kailangan kong lumayo. Kahit saan, basta malayo sa mga mahal ko sa buhay. Mas mamatay ako kung makikita ko silang naghihirap dahil sa akin. Madadamay sila.
Iniliko ko bigla ang sasakyan. Dahilan para umugong ang makina nito at umusok ang gulong. Ilang mga busina ang natanggap ko sa ginawa kong biglaang pagliko. Kung noon, matatawa pa ako sa ginawa kong kagaguhan. Ngayon, wala akong pakialam.
Gaya sa daan, mabilis ko din pinark ang sasakyan ko sa parking lot ng condo ko. High school pa lang ako ng ibigay ito ni mommy sa akin, as a graduation gift. Ilang taon lang matapos kong tumira dito bumalik na ako sa mansion dahil mas malapit ito sa opisina ko at sa ilang mga bar na pinupuntahan ko.
Sa kabilang side ng building na ito nagwithdraw ako ng pera. Maganda nang handa. Sa tabi rin nito may isang fast food chain, umorder ako ng pagkain pero dahil sa haba ng pila. Inakit ko na lang ang isang crew nila at sinabing ipadeliver ito sa condo ko sa taas nitong building. Napangisi naman ako ng walang pagaatubili niyang sinunod ang sinabi ko. Nanginginig pa nga.
After ko bayaran ang inorder ko, umalis ako doon na nag-iwan ng isang kindat sa babae na ikinapula ng kanyang magkabilang pisngi.
Dinaanan ko muna ang infront desk, nginitian ang babaeng nakaupo doon para sa pagbati.
“Good afternoon, babe’s,” Ipinatong ko ang braso ko sa harapan nilang dalawa. Ang isa ay may inaasikasong matandang lalaki na sa tingin ko ay isang delivery man base sa suot nitong damit at bag na malaki.
“Good afternoon too, sir!” sabay bati nila sa akin. Napangisi ako.
“May nagpunta ba dito para sa akin?” Nang aakit kong tanong sa kanilang dalawa. Ang isa na may pangalang Bea sa kanyang kaliwang dibdib ay pasimpleng sinulyapan ang kanyang sarili sa salaming nasa tapat ng desk niya.
“Wala naman, sir. Aside sa mga babaeng tinatanong kung bumalik ka na ba ulit dito.” Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Mapaglaro ko siyang nginitian.
Hindi na bago sa akin iyon. After ko maikama ang isang babae. Walang ng next time. Hindi ako umuulit ng putahe aside from Lizzel, siyempre. Siya lang ang babaeng tumagal sa akin. And she knows about that thing na nagustuhan ko sa kanya.
“Anong sinabi mo?”
“Gaya nang bilin niyo po, sir. Wala na kayo dito.” Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin.
“Good girl, thanks! And—” Inilabas ko ang pitaka ko at binigyan sila ng tip na dalawa. Sabay naman din silang nagpasalamat sa natanggap na regalo ko. “Oh— may darating nga pala akong delivery mamaya from Chowking. Let her in, okay?” Sabay silang tumango na may mga ngiti sa labi. Narinig ko pa ang kanilang pilit na tili nang makapasok ako sa elevator na agad din nilang inihinto para maging isang professional receptionist sa bagong dating na costumer.
Paglabas ko ng elevator, nakayuko akong lumakad papunta sa condo unit ko. Somehow, I know safe ako kung magtatago dito. Mahigpit ang security dito sa building na ito. Pero kahit na anong higpit kung pera na ang usapan. Babaliktad iyon na parang isang manipis na papel. Napabuntong hininga ako ng makapasok sa loob. Pabagsak akong umupo sa sofang nasa sala. Pumikit ako. Itinaas ko ang mga paa ko ng ‘di nag-abalang tanggalin ang suot kong sapatos.
This chaos is so tiring.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpapahinga ng makarinig ng doorbell. Tamad na tamad kong tinungo ang pinto at sinilip muna ito sa pinhole. Napangiti ako ng makita ang babae kanina sa baba. Nakalugay na ang mahaba niyang buhok ngayon. Wala na ang red cap niyang suot na may pangalan ng pinapasukang fast food chain.
Mas lumapad ang ngiti niya sa kanyang nangingislap na mga labi ng pagbuksan ko siya ng pinto. Itinaas niya ang hawak na paper bag na pinaglalagyan ng inorder ko.
“Thank you! Hindi ko akalain na ikaw pa ang magdedeliver nito sa akin.” I lied. Matamis ko siyang ngitian. Kinuha ko muna ang dala niya at nilagay iyon sa center table na nasa sala. Inabot ko ang pitaka ko, naglabas ako ng isang libo para sa effort ng babaeng ito.
Pagharap ko sa kanya, napaigtad pa siya mula sa paghagod ng kanyang mahabang buhok. Sinipat ko ang katawan niya. Hmm, not that bad.
“Here,” inabot ko ang pera na sinulyapan naman niya, may nakita akong pagkadismaya ng kunin niya ang perang naghahantay sa kanya. Tsk! “Thanks, sa pagdala. You may go baka nakakaabala na ako sa ‘yo,” Nagpasalamat siyang may tipid na ngiti sa kanyang labi. Damang-dama ko na ayaw pa niyang umalis. After ko sabihin iyon ay bahagya ko ng isasara ang pinto ko. Napanguso siya at tumalima na lang paalis kasama ang nangangahabang nguso niya.
Tsk! Sorry, I’m not in the mood to play, babe.
Ipinasya kong ipunin ang lahat ng lakas ko. Pinilit kong matulog kahit na ang hirap. Bago pa man sumikat ang araw ipinasya kong gawin na ang dapat kong gawin. Kinuha ko lahat ng mga kailangan ko. Sa exit ako dumaan para iwas sa mga makakakilala sa akin. Naglakad ako ng kaunti, hindi ipinakikita ang mukha sa mga taong nadadaanan, maging sa mga CCTV na nasa itaas para magrecord ng mga nangyayari.
Pinara ko ang nakita kong taxi, tatlong beses akong bumaba at sumakay ng taxi para walang makasunod sa akin. Sa isang station bus ako nagpababa. Hinanap ang bus na papunta sa paroroonan ko. Sumakay ako sa bandang likuran nito na walang bintana. Swerte dahil hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal dahil papuno na ito’t makakaalis na kami agad.
“Baguio! Baguio!” Nagising ako sa malakas na sigaw ng konduktor.
Napakurapkurap ako, humikab. Dumukwang para makita ang bintana sa harapang upuan ko. Madami nang nakababa at iilan na lang kaming natitira dito sa loob ng bus. Maliwanag na at nasa Baguio na nga ito. Binayaran ko ang konduktor ng bus na kanina ko pa hiniwalay sa bulsa ko.
Maraming mga taong namamasyal sa paligid. Naaamoy ko ang sariwang amoy ng Pinetrees na matayog ang pagkakatayo. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ako nandito para magliwaliw. Nandito lang ako pansamantala para lumayo sa mga pwedeng sumunod sa akin. Aalis din ako agad para hindi nila ako mahanap.
May rest house kami dito ngunit ‘di ako pwedeng pumunta doon. Kailangan ko maging isang bagong tao. Kaya naghanap ako ng isang maliit na kwartong tutuluyan. Mabuti na lang hindi ako hinahanapan ng Id ng matandang may-ari. Binigay ko agad ang paunang bayad ko. Hindi ko alam na two month’s advanced and a month deposit ang kalakaran ngayon sa mga paupahang bahay. Six thousand five hundred ang ibinigay ko sa babae. Sapat lang sa isang maliit na kwarto para sa akin. Maganda naman na, ayos na sa panandalian. May maliit na banyo. May sala, kusina at kwarto in one. May ilang gamit na din, kama at ilang upuan and even stove for cooking. May ibibigay din daw na isang electricfan sa akin ang may-ari para may magamit ako.
Makalipas ang ilang linggo lumipat naman ako ng ibang bayan. Lumiliit na ang mundo ko ngayon, my face was shown in the television saying that I went missing. Alam kong hindi sila dad ang gumawa nito. Alam nilang aalis ako, hindi ko sinabi kung saan ako pupunta at kung kailan babalik.
Ginawa ng mga halang na kaluluwa ito para mabilis akong mahanap. Kaya mas lalo akong nag-ingat. Hindi ko kinontak ang isa man sa pamilya ko. Maging ang gumamit ng automated teller machine ay ‘di ko ginawa. Mas madali nila ako mahahanap kung gagawin ko ito. Ang pera ko kakaunti na lang. hindi ko na alam kung paano pa ang gagawin ko. Sinubukan kong maghanap ng trabaho ngunit, naghahanap sila ng ID na kahit isa wala akong dinala.
Ang akala ko magiging okay na ang lahat sa paglayo ko ay ‘di nangyari. Mas lumala pa. Ngayon laman ako ng bawat television, social media, dyaryo at sa mga nakapaskil sa mga poste’t pader.
I’m wanted! s**t!