Chapter 6

2083 Words
Ralix POV Pinagsusuntok ko ang punong nadaanan ko. Inis at galit sa sarili kong katangahan. Napaupo na lang ako sa katabing malaking bato sa daan dahil sa panghihina. Sinapo ko ang ulo ko sa sobrang prustasyon. May mga ilang taong tumitingin sa akin. Nagbubulungan sila kaya agad ko naman tinago ang mukha ko sa kanila. Hindi ako pwedeng makilala kaya tumayo na ako doon dala ang bag ko. Mabilis akong lumakad palayo. Ibinaba ko pa ng kaunti ang suot kong sombrero para maikubli ang mukha ko. Mabilis akong dumaan sa damuhang parte. Nandito ako sa isang parke sa bayan ng—ewan ko kung saan na nga ba ito. Dito ako napadpad dahil sa palipat-lipat na sasakyan. Nang maalala ko ang nangyari kanina sa bus. Nanggigil ako. Gusto kong manapak. Gusto kong maawa sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Walang-wala na ako. Kahit piso, wala. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Nang maging laman ako ng mga balita mas lalo akong nahirapan magtago. Halos ‘di na ako makalabas ng apartment ko. Unti-unting nauubos ang pera ko sa pang araw-araw na gastusin. Hanggang sa paalisin na ako ng matandang may-ari ng bahay sa Baguio ng dalawang buwan na akong ‘di nakakabayad sa upa ko. Nagpunta ako sa Ilocos ngunit naging ganoon din ang naging buhay ko. Mahirap mabuhay ng wala kang pera. Tumira ako sa isang abandonadong building, nagtiis ako sa init, sa lamig. Wala na akong ibang mapuntahan kaya nagtiis na lang ako. Sa kasamaang palad ang dami kong kasama doon lalo na sa gabi. Mga batang walang tirahan. Mga batang sumisinghot ng rugby at ilang mga palaboy na daing pa ang baboy sa dami ng mga anak nila. Napaaway ako sa lalaking siraulong iyon. Madungis siya. Ang baho pa. Walang trabaho at lulung sa ipinagbabawal na gamot. Delikado ang buhay ko doon kaya umalis ako. Hinihingian nila ako ng pera. Sa una nakakabigay pa ako sa mga batang anak ng isang pamilyang palaboy doon. Mga bata pa ang mga ito. Ang isa ay nag-aaral pa lang maglakad. Nang tumagal maging ang mga batang rugby boys na ang nanghihingi sa akin. Wala na rin akong pera noon kaya wala akong maibigay. Binugbog nila ako, kinuha nila ang ibang gamit ko. Ang limited edition Lebron shoes ko. Ang mamahaling relo ko. Cellphone. Ang ilang mga damit ko. Ipinalit pa nila ang damit nilang dinaig pa ang isang basahan sa dumi. Never ko isusuot ang ganoong damit. Kahit mamatay pa ako. Nagtago ako sa palengke doon nakapagtrabaho naman ako bilang isang— yes, isang kargador. Ngunit dahil sa balitang kumakalat. Naging delikado din ako. Naalala ko kung paano ako titigan ng isang lalaking may ari ng isang bigasan sa palengke. Tinititigan niya ako. Matagal. Ang sabi pa’y, ‘familiar daw ako. Parang nakita na niya ako kung saan.’ Matapos ng araw na iyon umalis ako agad. Nagpalaboy-laboy muli ako sa lansangan. Isang pulubi. Hindi ko kayang umupa ng isang paupahang bahay kaya sa bangketa na lang ako natutulog. Bwisit na balita kasi iyan. Bwisit na buhay ito. Ako si Ralix Montefalco. Lahat kaya kong gawin. Nakukuha ko lahat ng gusto ko. May pera’t pangalan ako. Pero ngayon, nasaan na ba ‘ko? Walang-wala na. Sirang-sira na ang buhay ko. Umupo ako sandali sa likod ng isang building. Walang gaanong tao dito. Sa tingin ko bakanteng building ito dahil makalat ang paligid. Ang bakal na saraduhan ay may mga drawing at sulat gamit ang spray paint. Sandali kong inalis ang suot kong cap. Ibinaba ko din ang hoodie ko. Napadura ako sa sahig ng malasahan ang lasang kalawang. Sinuntok ako ng konduktor ng sinakyan kong bus ng wala akong mailabas na pambayad. Nagmakaawa naman ako. Kahit masakit para sa akin na gawin iyon. Ginawa ko para sa libreng sakay. Kahit na ang daming nanunuod sa labas ng bus station lumuhod ako pero bago pa man ako makapagsalita, dalawang lalaki na ang nagtayo sa akin. Dinala nila ako sa banyo, doon pinagbayaran ko ang pamasahe ko. Ilang batok ang inabot ko sa kanila. Ang dami nilang alam na pangmamaliit sa akin. Kuskus ng mabaho at maduming kubeta ang ginawa ko. Naglinis ng sahig. Matapos noon, tinapon ko ang basura sa likod ng bus station. Ngunit pagbalik ko sa loob siya namang dating ng mga bagong babang pasahero kaya nadumihan muli ang nilinis ko. Buong araw iyon ang ginawa ko. Ang sakit sa katawan. Ako naglinis ng kubeta? Tang ina, engineer ako! Anak ako ng . . . forget it. Nagpapasalamat naman ako sa aleng nagtitinda ng lugaw sa loob ng bus station na iyon. Pinakain niya ako ng libre sa tinda niya. Akala ko may bayad kaya umiling ako, kahit na ang sikmura ko ay nagmumura na sa sakit at gutom. Nakalimang bowl ako ng lugaw niya. Sarap na sarap ako iyon na yata ang pinaka-masarap na pagkaing natikman ko. “Pst!” Naramdaman kong may nag-alog sa akin. “Psst!” Mas malakas niyang alog na may kasama pang sipa sa paanan ko. Kumurap-kurap ako, agad napaupo nang mabilis, tinakpan ko ang mukha ko. Ngunit wala ang suot kong cap. Inabot ko ito sa baba ng hagdanan. Hindi ko siguro namalayan na nahulog na pala ito habang tulog ako. “Taga-saan ka?” tanong ng isang lalaki. Mula sa street light nakikita ko ang mga mata nilang namumula. Hindi ako sumagot, bagkus tumayo ako. Yakap ang bagpack na wala naman laman bukod sa plastic na ginagawa kong higaan at tsinelas na nilagay ko dito kanina sa takot na tangayin ito ng mga asong gala sa kalsada. “Hoy, kinakausap kita.” Tumaas ang boses ng lalaki, ang isa naman niyang kasama luminga-linga sa paligid. Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya nagpasya ako mabilis na lang umalis. Hindi ko na sinuot ang tsinelas ko ng dali-daling umalis. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito kaya wala akong alam na pupuntahan. Nakapasok ako sa isang makitid na eskinita. Mas madilim dito. Hindi naman na siguro ako susundan ng dalawang iyon. Ngunit nagkamali ako ng may humarang sa akin na isang may edad na lalaki. Iba ito sa kaninang nang istorbo sa payapa kong pagpapahinga. “Bro, makikidaan,” Paalam ko sa kanya dahil hinarangan niya ang daraanan ko. Humakbang ako pakaliwa, ngunit ganoon din ang ginawa niya. Umatras ako dahil napalapit siya sa akin ng husto. Naamoy ko ang amoy alak sa kanyang katawan. “Bro, a-ayaw ko ng gulo. Pwede bang makiraan?” napapagod na pakiusap ko. “May pera ka ba?” matapang niyang tanong sa akin. “Wala akong pera. Sa itsura ko bang ito sa tingin mo may pera ako?” matapang ko ding sagot. Tinapatan ang tonong ginamit niya sa akin. What’s wrong with this people? Ang lalaki ng mga katawan. Mga walang kapansanan pero ito— kung makahingi ng pera sa akin akala mo’y kung sino. “Ang lakas ng loob mo, bata ah?” Lumapit siya akin. Ang dalawa nitong kamay ay itinago niya sa likuran niya. Umatras naman ako. Ready na para tumakbo. “Ibigay mo na kasi ang hinihingi ko bata. Kung ayaw mong mamatay ngayong gabi. Dami pang sat-sat.” I like that idea. But, hindi sa mga kamay niya. “Hindi mo ba ako narinig? Wala nga sabi!” Nanlaki ang mga mata ko ng makitang inilabas nito mula sa kanyang likuran ang isang kutsilyo. Gumuhit ang stainless nito sa kaunting liwanag. May ngising demonyong sumilay sa kanyang ngiti. Nangilabot ako’t umatras, nalaglag ang bag ko sa mamasa-masang daanan na iyon. Tumakbo ako patalikod palayo sa kanya. Ngunit nahabol niya ako. Nanlaban ako, iniwasang matamaan o madaplisan ng hawak niyang patalim. Inundayon ko siya ng suntok sa kanyang panga . . . tiyan na agad naman nitong naiiwasan. Lahat ng lakas ko ibinuhos ko sa bawat suntok na iyon ngunit— nadaplisan nito ang braso ko. Umiwas ako sa sunod niyang pagkilos. Umatras ako ng kaunti para buwelo sa suntok na gagawin ko sa kanya. Nalaglag ang panaksak nito sa sahig. Nag-unahan kaming makuha iyon habang nag-uundayon ng suntok, sipa at pagsiko sa isa’t-isa. Napatalikod siya sa akin ng nakaiwas ako sa suntok niya, ginawa ko namang pagkakataon iyon para sipain ang binti nito para mapasubsob siya sa sahig. Kinuha ko ang kutsilyo, tinangka ko siyang saksakin. Sinipa ko ang mukha niya para muli siyang madapa. “Hoy!” Isang sigaw ang narinig ko nang uundayin ko na siya ng saksak sa kanyang tiyan. Narinig ko ang mga pagtakbo nila palapit sa kinaroroonan namin. Madami sila. Ang iba may mga hawak na pamalo. Natakot ako kaya nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo. Tumakbo ako nang walang lingon-lingon sa likuran ko. Naririnig ko ang kanilang mga sigaw. Mura’t pagbabanta sa akin. Hindi ko inalintana ang paa kong walang suot na pangyapak. Parang kakapusin na ako ng hininga sa sobrang hingal ko. Huminto ako sa isang poste. May signage dito na ‘di ko na pinag-abalahang basahin. Nagtago ako doon hanggang sa kumalma. Wala na akong naririnig na mga humahabol sa akin. Mga ugong at busina na lang ng mga sasakyan sa ‘di kalayuan ang mga naririnig ko. Pumikit ako’t pasalampak na umupo doon. Pinakalma ang puso ko. Hinayaan na makasagap ng hangin ang baga ko. Mga gagong iyon. Ang hirap makipagsapalaran sa lansangan. Hindi ka nakakasigurado sa buhay mo bawat araw. Lahat pwede mong maging kaaway sa isang iglap lang. Pero ano nga ba naman ang pinagkaiba nito sa sitwasyon ko ngayon. Wala naman. We were like playing a run to live. Mabuhay ang matibay. Mamatay ang mahina’t duwag. Tinitigan ko ang tanawin dito sa itaas. Mula dito ang tahimik ng paligid, ang sarap sa pakiramdam ng hangin. Mas lalong nagliliwanag ang lugar dahil sa buwan at bituin sa kalangitan. Ang tunog ng agos ng tubig sa ilog ay kay sarap sa tenga. Ngumiti ako sa kawalan inalala ang mga importanteng tao sa akin. Si mom, kamusta na kaya siya ngayon? Sigurado naman ako na hindi siya papabayaan ni kuya at ni daddy. Mahal na mahal namin si mommy. Tsk! Nami-missed ko na ang mga luto niya. Noong bata ako, wala akong ibang gustong kainin kung hindi ang luto lang ni mommy. Nagbago lang lahat ng iyon ng magbinata na ako. Halos ‘di na ako nakakasabay sa hapunan nila dahil kadalasan inuumaga na ako nang uwi. Sa umaga naman, wala na sila. Hinahanap-hanap ko ang mga maiinit niyang yakap. Ang bawat pagsasabi niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Ang mga tingin niya sa akin na tatawanan ko lang sa tuwing may ginawa akong katarantaduhan. Dahil alam ko, lambingin ko lang siya, mawawala na ang galit niya sa akin. Pagtatakpan pa niya ako kay daddy. Sana pala sinabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Sana pala pinaramdam ko kung gaano siya kaimportante sa buhay ko. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Hindi ako ganoon, eh. Hindi ko pa nasasabi ito kanino man, kahit kay mom. Suminghot ako. Ngayon alam ko na kung gaano ako kaswerte sa lahat ng mga meron ako. Ang dami ko pa lang dapat pagsisihan. Sa ilang buwang nagtago ako, pakiramdam ko ako na ang pinakamalas sa buong mundo. Halos isisi ko na ang lahat ng ito kay Lion. Pero ang totoong may sala ako talaga. Sarili ko. Ang katangahan ko. Noon, sarili ko lang ang iniisip ko. Walang akong pake sa iba. Is this my karma? Naranasan ko magutom, maging isang pulubi, maging isang tulisan. Dinaig pa ako ng isang daga. Wala akong masilungan. Kahit pagkain ko wala ako. I blame myself. Kaya dapat lang na matapos na ang lahat ng ito. Hindi na ako magdadamay pa sa kamalasan ko. Sa lalaking iyon, I’m sorry. Kung namatay ka man ng ‘di nabibigyan ng hustisya. I’m sorry. Hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako. Wala na rin naman saysay pa. Madadawit ko lang silang lahat sa gulo na ito. Tumingala ako sa langit. Can you accept me? Maybe, no. Wala akong place diyan. Kaya dito na lang ako. . . Tumingin ako sa baba ng tulay na ito, ang lawiswis ng tubig ay malakas. Perfect! Saan kaya ito papunta? Sa hell? Okay . . . Umakyat ako sa amba ng tulay para maupo doon. Ready nang mamatay. Paalam sa inyong lahat. Mahal na mahal na mahal na mahal ko kayo. Sana matapos ang gabing ito. Matapos na din ang kalbaryo ng mga magulang ko. Pumikit ako, paalam. . . “Huy!?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD