Chapter 7

2224 Words
Ralix POV Paalam. . . Napadilat ako ng may humawak sa braso ko. Sa gulat napamura ako. Akala ko mga taong naghahabol sa akin kanina. Nagpumiglas ako sa hawak niya. Hindi pa ako handa para sa isa pang bakbakan. Napaigit ang hininga ko nang mahawakan niya ang sugat na nadaplisan sa kutsilyo ng lalaking iyon. Nagdudugo pa ito. Pilit ko lang kinakalimutan para hindi ko maramdaman ang kirot. “Hoy!? Mama, bumaba ka d’yan ba ka kamahulog.” “Iyon nga ang balak ko, istorbo ka lang.” Masungit na saad ko sa babaeng ito. Mangielam ba? “Naku po, kung magpapakamatay kayo, eh ‘di po kalaliman ‘yan ngayon. . . balik na lang po kayo sa susunod na araw.” Aba, talaga ba? Tinignan niya ang ibaba ng tulay. Nangingislap ang tubig sa liwanag ng buwan. Malakas naman ang agos nito, ah? Hindi ba malalim ito? Kunot noong nilingon ko muli siya. Pinagmasdan ang itsura ng istorbong babaeng ‘to. She’s wearing a white uniform. Nakapusod ang buhok niya. ‘Di kaputian pero matangkad siya. Ang ibabang likuran niya— “Sir, ang mata mo,” puno ng pagbabanta ang tono ng pananalita niya. Napahawak ito sa baywang niya. Doon ko nakita ang ipinagmamalaki nitong nakasukbit na baril sa kanyang baywang. Napalunok ako’t agad nag-iwas ng tingin. “Ah-ah sorry, bakit ka nga pala nandito?” pagiiba ko ng usapan. “Pauwi na kasi ako, natanaw kita mula doon.” Tinuro niya ang kabilang daan sa katabi nitong tulay. “Mag papakamatay ka po ba?” mahinahon niyang tanong. Sinipat ako. Nahiya ako sa itsura ko ngayon. Tumikhim ako, nag-iwas ng tingin. Kaunting usog ang ginawa ko pakaliwa na kamuntikan ko pang ikadulas. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nilingon ko siya ng masama. “Payo lang po, sir. Mahalaga ang buhay. Bawat oras may Pag-asa. Maniwala ka lang. pag-isipan mo ang gagawin mo. Sayang ang buhay mo,” aniya. Kumunot ang noo ko. “Pag-asa? Umasa din ako. . .pero walang nangyari.” Sumbat ko sa inis. “May oras pa naman, sir. Hindi tayo nauubusan ng oras. Sana sa pag-asa din at tiwala.” Nilingon ko siya. Kalmado niyang sinabi iyon. Ngumuso siya matapos. “Sige, sir. Alis na ako. Isipin mo po ng mabuti ang sinabi ko.” Pagkasabi, nagsimula na siyang lampasan ako. Napakurap-kurap ako. Agad akong bumaba sa tulay na kinauupuan ko. “Wait—” sigaw na tawag ko sa kanya na bahagyang nakalayo na sa akin. Hindi niya ako nilingon kaya hinabol ko siya. Luckily, may lakas pa akong natitira. “Sa-salamat,” paumpisa ko. Sinabayan siya sa kanyang paglalakad. “Hmm,” Wala na siya sinabi bukod doon. Hummed lang sagot niya. “Guwardiya ka pala?” tanong ko. Isang sulyap lang ang ginawa niya ng ‘di tumitigil sa paglalakad. “Sa tingin ko din po, sir.” “Ah, t-taga dito ka?” “Dito ako nagtatrabaho, sir. Malapit diyan.” Tinuro niya ang kabilang kalsadang nadaanan namin. Wala naman ako ibang makita doon bukod sa mga saradong building. Hindi na ako sumagot doon, napapatuloy lang siya sa paglalakad at patuloy lang din ako sa pagsunod sa kanya. May kalayuan na ang nilakad namin. Napapagod na ako. Masakit na ang mga paa ko. “Taga saan ka?” pagbabasag niya sa katahimikan namin. “Manila,” agad kong sagot. “Hmm, sabi na eh. Iba kasi ang datingan mo kahit na . . . at ang pananalita mo.” Anito na pasimpleng tinignan ang buo kong katawan. Lumiko kami sa isang eskinita. Napahinto ako, naramdaman naman niya ito kaya napalingon din siya sa akin. Eskinita na naman? Nilingon ko ang paligid. Unlike kanina maliwanag dito at may mga tanod na nakatambay sa isang waiting shade sa gilid nitong eskinita. May mga dala silang mga kape. At mga batuta sa kanilang mga kamay. “Pia!” tawag sa kanya ng mga ito. So, Pia pala ang pangalan niya. “Sino ‘yang kasama mo?” Tumayo ang isa sa kanila. Inaya kami mag-kape. Natakam ako sa amoy ng kapeng iniinom nila. Ang tagal ko nang ‘di nakakainom ng ganoon. Sana pumayag siya. I licked may lip, parang nalalasahan ko ito sa dila ko. Ngunit napabagsak ang balikat ko ng ayawan niya ang offer ng mga ito. Sayang naman! “Ah, ano daw pangalan mo?” baling-tanong sa akin ni Pia ng mawala ako sa sarili ko dahil sa kapeng mainit nila. “I’m Carl,” ngiti ko sa kanila. Binati nila kami at ilang mga katanungan kay Pia, hindi sa akin. Halatang close silang lahat sa babaeng ito, ah? Humingi pa sila ng advice tungkol sa— kanal? Tubero din ba ang babaeng ito para hingan siya ng suhestiyon. Nangunot ang noo ni Pia ng mapangiwi ako ng mabangga ng isang tanod ang may sugat kong balikat. Tinignan niya ang braso ko may dugo pa doon na natuyo na. Nang makita ito agad siyang nagpaalam sa mga tanod. Sumunod lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako sumusunod sa kanya. Parang may magnet ang mga paa ko papunta sa kanya. “Ahm, saan ka nakatira? Hatid na kita para magamot mo na ang sugat mo.” Yumuko ako. Nahihiyang umiling sa tanong niya. “Wala? O ‘di mo lang alam umuwi sa inyo?” “W-wala akong bahay. Palaboy lang ako sa lansangan.” mahinang anas ko. Nahihiya. Mas gusto kong magpalamon sa lupa ng malakas na umugong ang tiyan ko sa gutom. Hindi siya agad nakasagot tinitigan lang ako, huminto siya sa paglalakad at binalikan ng tingin ang mga dinaanan naming mga tanod. Siguro gusto niya akong ibalik doon. Pero ayaw ko, ‘di pwede. Baka malaman nila ang tungkol sa akin. “Paano ka na niyan? Sandal ito—” kinuha niya ang dala niyang bagpack sa likuran niya. May hinanap doon, napaiwas ako ng tingin ng makitang pitaka ang inilabas nito. Isang ginansilyong coins purse, I think. “Ito lang kasi ang laman ng pitaka ko.” Inabot niya sa akin ang hawak niyang singkwenta pesos. “Ah, hindi na. Sa ‘yo na ‘yan.” Pagkasabi ko noon kumulo muli ang tiyan ko. “Ang lakas ng kulog, ah?” pagbibiro niya sa narinig. “Eh, paano ba ‘yan? Sige na nga tara na. . .” Ikinumpas niya ang kamay niya’t nagsimula na muling maglakad. Lihim naman akong napangiti. Huminto kami sa isang green na gate. Itinuro niya ito. “Dito ako nakatira,” Tumango ako sa kanya bilang sagot. Maganda naman. Mukhang safe naman. “Mister, ako lang ang nakatira dito. Kahit babae ako, kaya kitang patumbahin. Marunong akong mangarate kung ‘di mo alam. Kaya kung may binabalak kang masama, umalis ka na lang.” banta niya. Napatayo ako ng maayos sa sinabi niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting takot sa kanya. “Ah, wala naman akong balak na ganyan. Hindi ako ganoong kasamang tao.” Agad kong kibit sa kanya. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. “Alam ko this is too much. Pero kasi, kailangan ko ng masisilungan kahit ngayong gabi lang, please. Makabawi man lang ako sa sakit ng katawan. Pakiusap, pangako wala akong gagawin na masama sa ‘yo,” pagmamakaawa ko sa kanya. Bumuntong hininga siya sa sinabi ko. “Sige, ngayong gabi lang. Panghahawakan ko iyang sinabi mo, mister.” Malapad akong napangiti sa kanya. Abot hanggang langit ang saya ko. Kulang na lang yakapin ko siya sa tuwa. “Opo, opo. Ra-Carl nga pala.” s**t! Sa saya muntikan ko na masabi ang unang pangalan ko. Hindi naman ako nagsisinungaling. Hindi ko kaya sa kanya, niligtas niya ako. At ngayon, ito— pinagkakatiwalaan kahit na ngayon niya lang ako nakita. Ang bait niya. Hindi ko akalaing may ganito pang tao sa makasalanang mundo na ito. Handa siyang tumulong sa kahit na sino man. “Parang nautal ka pa, ah?” bulong niya habang binubuksan ang seradura ng gate. “Maliit lang itong bahay ko. Isa lang ang kwarto dito. Kaya dito ka na lang matulog,” turo niya pagkapasok namin sa loob ng bahay niya. Nilibot ko ng tingin ang buong bahay niya. Mas maliit ito kumpara sa inuupahan ko sa Baguio. Dalawang palapag ito. Sa tingin ko apartment ang isa sa taas. Malinis ang kanyang bahay. Kulay puting nangupas ang pintura ng dingding niya. May isang kawayang sofa na nandoon. Katabi ang isang plastic na lamesa na mayroong dalawang monoblock chairs. Ang sahig ay may linoleum na kulay blue. Walang ibang design ang bahay niya. Kahit picture wala. Malamang inuupahan niya lang din ito. “Doon ang banyo. Hahanapan kita ng pwede mong pamalit pero t-shirt lang ang kaya kong ibigay, ha.” “Malaking bagay na sa akin iyon. Salamat,” Tinalikuran niya ako para kumuha ng pitsel sa maliit niyang refrigerator. Napalunok ako ng makita ang malamig na tubig. Walang salitang ibinaba niya ang baso’t sinalinan ito ng tubig. Tinignan ko ito habang napapalunok. Nang isenyas niya sa akin na inumin ko na, agad ko itong sinunggaban. “Dahan-dahan. Madami akong tubig d’yan.” Napatingin ako sa mukha niya ng tumawa siya. Napakurapkurap ng wala sa sariling dahan-dahan kong na ibaba ang hawak na baso sa katapat na lamesa. Muli niya itong nilagyan ng malamig na tubig. “Sige, maupo ka lang muna diyan. Kukuha lang ako ng pwede mong maisuot. Maligo o maghilamos ka na muna bago ko gamutin ang sugat mo.” Tumalima na siyang naglakad patungo sa isang kwartong katabi ng tinuro niyang banyo. “Yung bilin ko. Wala kang mananakaw dito. At kung balak mo man, hindi ka na makakalabas ng gate na iyan.” Habol niya. Tumango naman ako. Na-excite sa malamang pwede akong maligo. Ang sarap sa pakiramdam ng lumabas ako ng banyo. Ang bango ko. Hindi na ako gusgusin. Wala na ang mga dumi sa balat ko. Ang buhok ko madulat na muli ito. So refreshing. “Ang tagal mo, ha? Inubos mo yata ang sabon at shampoo ko.” Napahinto ako sa pagpupunas ng mahaba kong buhok sa sinabi niya. "Ahm, sorry. Napasarap ang pagligo ko. Ngayon lang kasi ako muling nakaligo.” Pagaamin ko. Nakasuot ako ng isang fit na fit na t-shirt, kulay yellow ito na may print ng isang cartoon character na mahilig kumain ng banana. Ang pang ibaba ko ay isang jersey short na masikip rin sa baywang. Okay na ito kaysa naman wala. Wala akong pangloob na suot. Nilabhan ko ang mga ito habang naliligo ako kaya’t mas lalo akong napatagal. Tumango lamang siya. “Dito mo na isampay ang mga damit mo. May mga hanger diyan. Bukas mo na ilabas sa araw.” Agad ko naman sinunod ang sinabi niya. “A-aray,” inilag ko ang braso kong hawak niya. Dinampian niya muli ito ng bulak na may alcohol kaya muli akong napapikit sa hapdi. Matapos niya gamutin ang sugat ko, naghanda na siya ng pagkain sa lamesa. Nag-volunteer ako na tulungan siya ngunit ‘di siya pumayag. “Wala akong ibang pagkain dito kung hindi ito lang. Masarap naman ito sa bagong lutong kanin. Pasensiya ka na kung kaunti lang ang kanin na ‘tin. Ito na lang kasi ang nasa lagayan ko.” Hinging patawad nito na ikinakunit ng ulo ko. Seriously? And dami na niyang tulong na naibigay sa akin sa loob ng isang gabi. “Okay lang, salamat. Ako nga dapat manghingi ng pasensiya sa iyo dahil ito— tinulungan mo ako.” “Shss, kain na tayo. Gutom na rin ako.” Nagsimula na kaming kumain. Natawa siya ng agad kong nilantakan ang mainit na kanin. Hindi na ako kumuha ng ulam na galing sa latang binuksan niya. Kanin lang sapat na. Ang sarap ng init nito. “Ito ulam.” Iniusog niya sa akin ang platitong may pulang sarsa with apat na isdang walang ulo. Damn! Ang sarap ng ulam na ito. Pagbalik ko sa manila, bibili ako ng maraming ganito. Masarap pala ito. Nakikita ko lang ito sa mga pina-pack na binibigay ng mga magulang ko na relief goods sa mga nasasakupan nila. “Ngayong nakakain ka na, maayos ka na. . .” binalot ako ng kaba sa sinabi niya. Papaalisin niya na baa ko agad? “May gusto ako tanungin sa iyo. Hindi ko sinusumbat ang mga ginawa kong ito sa iyo pero sana maging honest ka sa akin. Para mas lalo kitang mapagkatiwalaan.” I get it. Oo nga naman. “Hindi ka isang taong kalye lang, ‘di ba?” Sinipat niya ang braso kong may sugat. “Sa katawan mo pa lang, sa kutis kahit na maitim ka ngayon alam kong likas kang maputi. Ang accent mo kapag nage-english ka. Parang gamay mo magsalita sa ganoong lingwahe. At sa pananalita mo, alam kong mataas ang pinagaralan mo. At hindi Carl ang totoo mong pangalan, tama ba ako?” Shit! Mabubuko na yata ako. Napangunahan ako ng takot. Hindi ako agad nakapagsalita. Bumagsak ang panga ko sa mga napuna niya sa akin. Lahat ng iyon may batayan siya. Maliban sa pangalan, totoo iyon. That’s my real name. I’m Ralix Carl. But I can’t say it out loud. Kahit gusto ko. Hindi niya pwedeng malaman. And what if she does? Ipagpapalit din kaya niya ako sa perang nakalaan sa ulo ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD