Chapter 19 Ralix POV Inaalo ko siya, ang Pia’ng ubod ng tapang ngayon ito— hinang-hina at walang patid ang pagluha niya. Nasa gilid niya ako nakatayo, siya naman nakaupo sa upuang plastic dito sa kusina ng bahay niya. Wala akong magawa kung hindi hawakan ang kanyang balikat na yumuyugyog sa kanyang labis na pag-iyak. “Tahan na,” pag-aalo ko. “Gagaling din ang nanay mo,” Umupo ako sa tabihan n’ya. Inabot ko ang basong tubig sa harapan namin. Habang pauwi kami, nakatanggap ng tawag si Pia mula sa kanyang sumunod na kapatid. Ibinalita nito na muling nawalan ng malay ang nanay nila habang ito ay nagluluto ng kanilang tanghalian. Dahil may pasok ang mga kapatid niya, hindi agad nila ito nasaklolohan. Nadatnan na lang nila ito na wala ng malay at nakahandusay sa may kusina ng bahay nila. Hin

