9 : 15 ng tumaas ako sa 56 floor upang mag linis. Inayos ko ang mop sa cart habang hinihintay ang pag tunog ng elevator patungo sa floor 56.
Nang tumunog ang elevator. Itinulak ko itong muli at pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Vicentious. Wala na siya ng ganitong oras Kaya't magiging madali sa akin ang paglilinis sa loob. Mas nahihirapan kase ako kung habang nag lilinis ay naroon siya. Katulad ng bilin ni Mrs. Madrigal ayaw niya ng maingay.
Ngunit katulad ng hindi ko inaasahan. Naroon pa siya. Pero hindi na trabaho ang iaasikaso niya. Unti-unti ako lumapit sa direksyon niya. Nakahilig ito sa swivel chair. Habang ang isang kamay nito ay nakalaylay sa upuan. Ang kaliwang kamay niya naman ay nakahilig sa kanyang mga mata.
Kung papagmasdan ko siyang mabuti matangos at magandang kurba lang ng kanyang labi ang iyong makikita. Dahan dahan kong itinulak ang chart upang hindi ito bumuo ng anumang ingay.
Nang makalapit ako ng mas malapit pa sa kanya. Kita ko ang walang lamang bote ng whiskey sa kanyang harapan. Halos mabasa rin ang ibang papeles, dahil ang shot glass na gamit niya ay nakataob at dahilan ng pag kakabasa ng ibang papels na nakaagay sa offie desk niya.
Dahan-dahan akong nag linis. Hanggang sa matapos ko ang buong sahig at salamin. Pero natapos ko na ang lahat ay hindi pa rin ito gumagalaw sa naging posisyon niya mula kanina.
Napatingin akong muli sa kanyang lamesa. May picture frame duon. Ngunit nakabaligtad iyon kaya't hindi makikita. Kahit pa bawal pakialaman ang mga gamit sa lamesa niya.
Kinuha ko ang shot glass sa nakatapon sa parteng may mga papeles. Isa isa kong kinuha ang mga papel na basa at inilagay iyon sa basurahan. Ang bote ng alak naman ay inilagay ko sa aking cart upang mo itapon ko mamaya pagbaba ko.
Kinuha ko ang frame na nakalapag sa kanyang mesa. Ngunit bago ko pa iyon nakuha. Mabilis na nitong inagalaw ang kanyang kamay na nakahilig sa kanyang mata.
"Lissandra…." He softly whispered, sending volts of electricity throughout my veins.
Halos kapusin ako ng hininga ng mahawakan niya ang aking pulso. Ang malamlam niya mga mata ay nakatitig sa akin. Kumurapkurap pa ako ng makita ko ang mga titig niya na ipinamalas.
"S-sir…" mahinang sambit ko. Sinubukan kong bawiin ang aking kamay. Ngunit mas humigpit niya iyong hinawakan.
"Y-you said you wouldn't leave me… "
"P-please don't leave me.."
Halos mag makaawa ang boses na lumalabas sa namumula niyang labi. Walang lumabas sa bibig ko na kahit ano. Puno ng lungkot ang kulay amber na mga mata niya. Pakiramdam ko ay kumikirot ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
Mag higpit niyang hawak ang kanang kamay ko. Hinaplos ko ang pisngi niya gamit ang libre kong kanang kamay.
I cupped his face and caressed his cheek. Naramdaman ko ang kaonting basa ng kanyang mukha. Madilim ang buong paligid ngunit kitang kita ko ang panggigilid ng luha sa mapungay nitong mata sa akin.
"Lissandra…" marahang tawag niya muli sa pangalan ng isang babae.
Titig na titig siya sa akin. Tila ba kinakabisado ang bawat detalye sa aking mukha. Tingin ko ay lasing na lasing siya kaya't napagkamalan niya akong ibang tao.
Ngunit bakit ganito ang aking pakiramdam. Bakit kumikirot ang aking dibdib sa tuwing makikita ko ang isang pamilyar na kulay ng kanyang mata.
"S-sir…" sambit ko muli. Habang hawak ng isang kamay ko ang pisngi niya.
Hindi ito sumagot. Mas lalo niyang hinila ang ang pulso. Halos yumakap na ako sa kanya dahil sa paghila niya sa akin.
"Can you give me a hug?" Paos nitong bulong sa akin.
Naramdaman ko ang kamay nito sa aking beywang habang nakayakap ito sa akin. Pumikit ako ng mariin. Makakalimutan niya naman ito pag gising niya. Sa tingin ko ay ayos lang iyon.
Itinaas ko ang aking kamay. Yumakap ako sa kanya. habang tinapapik ko ang kanyang likod. Ramdam ko ang pag hinga niya ng malalim dahil sa ginawa ko.
Amoy na amoy ko ang pinag halong alak at ang mabango nitong amoy. Tinanaw ko ang malaking bintana sa kanyang likuran. Kita ko ang pag dausdos ng butil ng ulan sa bintana. Tila ba nakikiramay ito sa kalungkutan ng hari mula sa malaki at niyang madilim na palasyo.
"Please… don't leave me… stay with me.. please.." unti-unti nadudurog ang boses na sambit nito sa pagitan ng mahigpit na hawak niya.
"I won't leave you.." I whispered, my voice filled with determination and a hint of vulnerability.
hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang salitang iyon. Pakiramdam ko ay nangako rin ako nuon sa isang tao.
Dumiin lalo ang yakap niya sa akin. Pakiramdam ko ay kung hihigpit pa iyon. Ay madudurog niya ako ng sobra. Kinagat ko ang aking labi. Sumingaw ang init sa aking gilid ng mata.
Why do I feel this way.. unang pagkikita pa lang namin ito. Ngunit bakit pakiramdam ko ay konektado kaming dalawa. I really want to do something but it's not my fight, I want to help him. Ngunit paano… ni hindi ko siya kilala.
I don't know how to ease his pain but I don't want to add in it too. pakiramdam ko kung lalapit ako ng sobra sa katulad niya. Mapapaso ako ng apoy na dala niya. Pakiramdam ko ay mapanganib na mag konekta ang bawat isa sa amin.
Naramdaman ko ang pag luwag ng yakap niya. Dahan dahan akong bumitaw sa kanyan ng maramdaman ko ang mataimtim na pagtulog nito.
Inaayos ko siya ng higa at kinuha ko ang black blazer na nasa likod ng swivel chair niya. Inilagay ko iyon sa kanyang harapan.
Nang pag masdan ko ang nakapikit niyang mata. Kita ko ang isang pamilyar na imahe. Kaagad dumaan ang sakit na nang gagaling sa aking tenga. Halos kapusin ako ng hininga ng itinulak ang cart palabas sa opisina niya.
Nang mailagay ko sa storage room ang mga gamit. Kaagad akong nag palit ng damit upang makauwi na.
Hindi ko inalintana ang malakas na pag ulan. Lowbat na ang hearing aids ko. Kaya't hindi ko maririnig ang kagaslas na nakakapag patakot sa akin.