Kabanata 5

988 Words
Hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa nangyari. Sumasagi pa rin sa isip ko ang pamilyar na imahe. Ngunit pilit kong winawaksi ang isip ko roon. Dahil malayong mangyari 'yon. Kahit pa tanda ko ng imahe ng batang 'yon. Tingin ko ay malayong mag tamang muli ang landas namin. Kinuha ko ang fossil bracelet na tanging alaala ko sa kanya. Hindi ko alam kung sino ang nag bigay sa akin nito. Pero tingin ko ay may malaking parte ito sa aking malabong alaala. "Ang galing mo ha, nandito ka parin?" Tanong sa akin ni Marcy ng mag sabay kaming pumasok sa elevator, tulak ang aming mga cart. "O-oo eh…" nag aalangan na sagot ko. Dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tono ng pagtatanong niya. "Nakakapagtaka lang na narito ka pa rin, matapos mong magkamali sa paggamit ng elevator." Aniya. Habang nakatitig sa akin. Mas matanda si Marcy sa akin ng ilang taon. Tatlong taon na yata siya sa company na ito. Tingin ko ay alam rin niya ang mga nagiging janitress sa 56 floor ay walang nagtatagal. "H-hindi iyon nasabi ni Mrs. Madrigal sa akin. Tingin ko naman ay naging sapat na rin ang paghingi ng paumanhin ni Mrs. Madrigal sa boss natin upang hindi ako tanggalin." Sagot ko. Ngumuso ito at itinuon ang pansin sa akin. Pinag masdan ko siya. Tingin ko ay may gusto pang sabihin ngunit pinipigilan lang niya. "Alam mo ba na sinumpa daw si Mr. Vicentious. Sinumpa daw ang boss natin." Si Marcy. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Ngunit pinigil ko iyon, dahil baka hindi niya ituloy ang ikukuwento kung tawanan ko siya. "Paano?" Tanong ko. "Na aksidente daw iyan, kasama ang girlfriend niya.. namatay ang babaeng yun at kahit kailan ay hindi na daw muling sumubok mag mahal si Sir." Si Marcy. "Sayang lang at ang gwapo gwapo pa naman ni Sir. Sayang ang lahi niya." Segunda nito at umiling pa. Hindi siya isinumpa, siguro ay malungkot siya.. katulad ko ay ganun rin ako ng mawalan ako ng mahal sa buhay. I thought sadness and loneliness was a curse. Hindi pala happiness and sadness are equally balanced in life as nature describe it beautifully by setting so many example in life like day and night both are equally important for us, tulad ng araw at gabi na parehong mahalaga para sa atin, ang tag-araw at tag lamig ay nagbibigay ng magkaibang karanasan. Ang tag-init naman ay nagbibigay ng tila pag tikim sa buhay. Mas nauna si Marcy sa aking bumaba ng evelevator. Sa strategic department siya, samantalang ako naman nasa pinaka taas. "Mauna na ako Anisia!" Pa mamaalam nito sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti ay iwinagayway ko pa ang aking kanang kamay, upang makapag paalam sa kanya. Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na ako. Kaagad ko tinulak ang cart upang makapasok sa opisina ni Mr. Vicentious. Ngunit katulad ng inaasahan ko, maaga itong nasa opisina niya. Tambak ang papel sa kanyang harapan. Ngunit natatanaw mo pa rin ang itsura niya. Habang tutok na tutok ito sa laptop na nasa harap niya. Kimuha ko ang mop sa aking cart. Pero bago ko pa man iyon mahugot ng tuluyan dumulas ito sa aking kamay. Buo iyong ng malakas na ingay ng lumagpak ang pole handle nun sa magandang marble tiles na sahig nito. "Ah!" Namapilig ako ng gumuhit ang sakit sa aking tenga. Ngunit kaagad ako naka buwelo at kinuha iyon. Nang tumingin ako sa direksyon kung nasaan siya. Namataan ko ang buong atensyon niyang nakatitig sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Pa—." "What it is, Yohan?" Aniya. Halos lumuwa ang puso ko dahil sa kaba. Nang mapatingin ako sa aking likod ay natanaw ko roon, ang papalapit na personal assistant niya na si Yohan. "Electric car maker DAVIDSON Inc is exploring collaboration with other companies to scale up market share faster, sinabi iyon ni Chief Executive Henry Ford, nung nakaraan linggo." Paninimula ng assistant niya ng makalapit ito sa gilid niya. "Because I rejected the proposal he wanted… lahat ng proposal na ipapadala niya rito ay i-reject mo." "When the TVP channel asked for an interview with us. Reject that goddamn interview. Wala ako oras sa bagay na iyon." Aniya. "Yes, Sir." Ang assistant nito. Nang umalis si Yohan ay kami na lang muli ang natira. Kaagad nilamon ng matinding kaba ang aking puso. "Miss. Santelices, yan ba ang paraan mo para mag papansin sa akin?" Tanong niya. Hindi ko alam. Ngunit pakiramdam ko at umakyat bigla ang init sa aking pisngi. Dahil sa walang katotohanan na paratang niya. Tumayo ito at unti-unting lumapit sa akin. Nakasuot ito ng white sleeve polo shirt. Bawat galaw niyang ay yumayakap 'yon sa kanyang katawan. His body was firm and strong.. lalo pang binabagayan ng kanyang itsura. "N-nandito po ako upang mag trabaho at hindi sa para sa ganyang bagay." Sabi ko. "How old are you?" He said. Huminto ito sa aking harapan. Halos masakop niya ang taas ko dahil sa malaking tao siya. "Twenty one.. Sir." Sagot ko. Hindi ako makatingin sa kanyan. Masyado akong nalulunod sa maganda niyang mga mata. At ayoko iyong maramdaman. "Do you have a boyfriend? Tanong niya muli. "Hmm, silence means yes." Bahagyang umawang ang kanyang labi ng mag tama ang tingin naming dalawa. "You better break up with that dog. I don't want to interfere with your personal life… pero makakasama iyon sa iyong trabaho. Katulad na lang ng ginagawa ko ngayon." Aniya. Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. He tilted his head a bit mas lalo akong hignakan ng kaba. Bawat galaw niya ay puno ng awtoridad. "W-wala po akong boyfriend Sir." Sagot ko. Umangat muli ang kanyang namumulang labi sa sinabi ko. Kita ko ang magandang kulay ng mata niyang patuloy ang pagtitig sa akin. "Yes, it should be." "Dapat lang. because I don't like it." Pinal na sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD