Kabanata 6

1036 Words
"Paanong dapat lang… sir?" Tanong ko. Itinaas ko ang tingin ko sa kanya. He's still staring at me with those cold eyes with his blank face. "Because I don't allow it. You are under my company hindi ko pinahihintulutan iyon." "Wala po sa kontrata na pinirmahan ko ang usapang iyon. Masyado na pong personal ang bagay na yan." Sagot ko. "Drop that goddamn "po" Anisia Agnes. Masyado kapang bata para mag boyfriend, why don't you understand that?" Iritable niyang sabi. He biting his lips lower lip at tumitig sa akin na tila nagbabanta ito. Ito ang unang pagkakataon na na kabisado ang bawat parte ng gwapo niyang mukha. Totoo nga ang sabi ng mga nag tatarabaho rito. Tila isa siyang hari sa malaki at malungkot na kaharian. "Twenty one na ako. A-alam ko na ang ginagawa ko. Hindi mo na ako kailangan turuan ako sa mga desisyon ko." Wika ko. Sabi niya ay tanggalin ko ang "Po" ngunit pakiramdam ko ay binastos ko na siyang masyado. Tumaas ang isang kilay nito, kasabay ng bahagyang pag ngisi. Ngunit tumuwid rin muli ang labi niya at mas lalong lumapit sa akin. "If you know what you are doing. Why can't you do your job well? Bakit hindi ko magawa ng maayos 'yon Anisia?" Segunda niya. "I-im sorry Sir… kung ang problema ay ang kaninang pag iingay ko. Pasensya na sir… hindi ko naman iyon sinasadya." Ako. Ang hirap ng trabaho ko sa kanya. Mahina ang pandinig ko at hindi ko iyon magawa ng maayos. Hindi ako nagrereklamo at kahit kailan ay hindi ako nag reklamo sa trabaho. Ngunit talagang nahihirapan lang ako na hindi gumawa ng ingay dahil…. Bingi ako.. "Inistorbo mo ako sa ginagawa ko." He said. "Kaya nga nag so-sorry ako Sir." Sagot ko. Umamba akong igalaw ang mop handle upang makapag simula sa trabaho. Ngunit mabilis niyang hinawakan ang pulso ko. Sa gulat ko ay nabitawan kong muli iyon. Bumuo na naman ng malakas na ingay sa kanyang opisina. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya. Ngunit kaagad siyang lumayo ng bagya ng marinig namin ang boses ni Mrs. Madrigal na pumasok sa kanyang opisina. "Mr. Vicentious." Pag tawag nito. Kita ko ang pagtalikod niya at pag upo muli sa swivel chair niya. Pinag patuloy ko ang paglilinis sa loob ng opisina. Tingin ko ay matatapos na ako ngunit hindi pa natatapos ng deskusyon nilang dalawa. Nang sumapit ang lunch time. Nag pasya ako lumabas sa headquarters upang bumili ng nakakain. Mahal ang mga pagkain sa kompanya at hindi iyon kaya ng budget ko. "Anisia!" Pamilyar na boses ang nakapag pabaling sa akin. Nang palabas na sana ako sa glass door ng company. Kita ko ang pag takbo niya habang dala ang isang styrofoam at isang orange juice na naka bottle. Napalunok pa ako sa sarili kong laway dahil talagang nagugutom na ako at tanghali na rin. "Bakit Marcy?" Tanong ko ng makalapit ito. "Ipinabibigay iyan ni Sir sayo… ng hindi kana daw lumabas para bumili." Aniya. "Sir?" Naguguluhan tanong ko. Dahil hindi ako makapaniwala kung siya man ang mag bibigay sakin ng pagkain. "Malamang ay si Sir Vicentious. Ipinadala niya iyan ngayon lang." Si Marcy na tila nagtataka na rin. "S-salamat… nabala kapa tuloy.." nahihiyang sabi ko at kinuha ang styrofoam at ang juice na hawak nito. "Bulong bulungan na kanina na naabutan daw kayo ni Mrs. Madrigal na hawak ni Sir ang kamay mo. Totoo ba iyon Anisia?" Tila mamamangha na tanong nito sa akin. Ibinaba ko ang tingin ko sa mga pagkain na nasa harap ko. Pakiramdam ko kung titingin ako kay Marcy ay malalaman niya na totoo ang sinabing iyon ni Mrs. Madrigal. "Hindi iyon totoo.. may pinag usapan lang kaming dalawa." Sagot ko. "Ay ikaw talaga! Huwag mong sabihin may gayuma ka ha? Ano nga totoo ba?" Makulit na tanong nito muli. "Hindi talaga totoo iyon." Depensa ko. Nang walang mapala na sagot sa akin si Marcy ay nag paalam na itong aalis. Dumiretso ako sa lobby upang dun na lang kumain. Hindi ko na tinanggihan ang pagkain nilibre niya.. at sinong tatanggi sa grasya at masarap ng pagkain, syempre ay wala. Nang tanghali na nag linis ako sa opisina niya wala siya. Mas ayos nga iyon kaysa nasa paligid siya habang nag lilinis. Naging mabilis lang ang paglilinis ko. Nang sumapit na naman ang gabi ay wala pa rin siya. Nang matapos ako linis ang opisina niya ay pinatay ko ang ilaw ruon. Tanging sinag lang ng magandang buwan ang nagbibigay ng ilaw sa tahimik at madilim niyang opisina. Naalala ko ang unang gabi na nag trabaho ako rito. Ang malungkot niyang itsura ang unang bumungad sa akin. Mga mata niyang nangungulila sa isang bagay. Pero nabato ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang isang pamilyar na amoy. His hand wrapped on my waist to pull me closely. Hindi ako nag salita sa ginawa niya. Naramdaman ko ang pag hilig ng kanyang baba sa aking balikat. Amoy na amoy ko ang bango at ang alak sa kanya. "I'm sorry…." He whispered. "Bakit ka humihingi ng tawad?" Marahang tanong ko. "Dahil hindi kita nailigtas… I am trying so hard to save you… I'm really sorry…" rinig ko sa boses niya ang pait at pagsisi. Hindi ko alam ang kwento niya. Ngunit kung malalaman ko iyon. Tingin ko ay pareho kami ng pinagdaanan na dalawa. "You don't really have to say sorry… may mga bagay tayong hindi kayang pigilan o gawin… hindi lahat ay kaya nating iligtas." Sagot ko. “Alam nag balik kana…” Mahinang bulong nito. Mabilis niya akong pinaharap sa kanyang. He held my chin and made me look at him directly into his eyes. Katulad ng una ay ganun parin. Ang mga titig niya kakaiba. He angled his face before leaning down. The expression in his eyes was as cold and sharp as surgical knives. unti-unting sinakop ng namumula niyang labi ang aking labi. Ang aming unang halik ay malambot, simple, at maikli. We pull away after a few seconds. Pumikit ako ng mariin ng makabawi ako. Ngunit hindi siya nakuntento. Muli niyang itinaas ang aking baba upang mahalikan muli. Naramdaman ko ang pag hawak niya sa aking batok upang hindi ako makatakas sa kanya. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD