Sabi nila The first time you fall in love is most precious than any love. At tingin ko ay tama nga ‘yon. pinagmasdan ko ang fossil bracelet na aking hawak.
When our eyes first met may kakaiba na akong naramdaman noon pa man. Kahit pa ilang minuto lang iyon. Ang batang puso ko ay tumibok sa lalaking iyon. No matter how hard I try, I will never stop missing my first love. Ngunit ng halikan ako ni Sir ng gabi iyon. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ko ang aking unang minahal.
Dahan dahan kong isinuot ang bracelet sa aking kamay. Nais kong maalala siya lagi. Kaya't nag pasya ako na isuot na iyon.
Madiin kong hinawakan ang mop at pinagmasdan ang pagtaas ng elevator patungo sa floor 56. In minuto ng makarating ako Itinulak ko ang cart upang makapasok sa loob. Ngunit kaagad akong napahinto ng marinig ko ang isang pag uusap. Tingin ko ay seryoso iyon.. may kaunting siwang ang pinto at tingin ko ay hindi iyon naisara ng mabuti, dahil sa pagmamadali.
"Nagsasayang ka na naman ng oras sa walang kunwetang pag iimbestiga na iyan! For god sake! Kaiden Charles!" Isang malakas na boses ang bumuo sa loob ng opisina ni Sir.
"Dahil alam kong buhay siya!" Sagot ni Mr. Vicentious.
Mas lalo akong lumapit. Kita ko ang kuya nitong si Zion ang kausap niya. Walang hindi makakakilala kay Zion Vincentius isa siya sa may ari ng isang Gas and Petroleum Corp. tatlong silang magkakapatid. Si Kaiden, Aero at ang panganay na si Zion.
"God damn it! Alam mo ba ang tingin nila sayo? Isang baliw na hari na hindi makalimot sa isang babaeng matagal ng patay!" Zion shouted out. Halos kabahan ako.
"Don't care what they say." Walang emosyon sagot nito kay Zion.
"I saw your CCTV last week." Si Zion muli.
"Huwag mong subukang makialam." Pag babanta ni Sir.
"At nag check muli ako ng CCTV ng nakaraan gabi. You kissed one of your employees. At alam mo bang deaf ang babaeng iyon?"
"You abused her!" Sigaw ng kuya niya.
Halos kapusin ako ng hininga sa naririnig ko. Dun ko lang rin mapagtanto ang lahat ng iyon. Ang babaeng lagi niyang binibigkas ay matagal ng patay. Tingin ko ay nakikita o naalala niya sa akin iyon.
"Hindi ko siya inabuso. Hinayaan niya akong gawin iyon sa kanya." Sikmat nito.
My hot tears streamed down my flushed cheeks, blurring the room around me. Bakit ko ba nararamdaman ang pagkadismaya at pagkalungkot. Alam ko naman na sa umpisa ay ganito na hahantong ang lahat ng iyon.
Iniluwa ng pinto si Zion Vicentious. Kita ko ang namimilog nitong mata sa gulat. Pero pinulot ko parin ang sarili ko upang batiin siya na tila ba hindi ko narinig ang lahat.
"G-good morning Sir.." My voice almost cracked when I greeted him.
Nagpaunlak lang ito ng tingin ay umalis rin.
Nang pumasok ako sa loob. Nakita ko si Kaiden. Nakahilig ang dalawang kamay nito sa office table niya. Habang nakatayo at pinag mamasdan ang laptop nito sa kanyang harapan.
I started to mop the floor. Acid was dripping through my veins… bakit nasasaktan ng ganito? Ako ang nag alok ng sarili ko sa kanya ng una kong nakita ang pangungulila niya. At tingin ko ay isang pagkakamali ko rin na umasa ako.
"Bakit mo hinayaan na gawin ko ang bagay na iyon sayo?" Pag basag nito sa katahimikan naming dalawa.
Sa tanong niya na 'yon. Alam ko na kaagad ang tinutukoy niya. Gusto rin itanong kung bakit niya rin ginagawa sa akin iyon. Ngunit kung gagawin ko ang mag tanong tingin ko ay mas lalong mag aalanganin ang trabaho ko sa kanya.
"H-hindi kita maunawaan Sir." Huminto ako sa pag ma-mop at ibinibigay ko ang buong atensyon ko sa kanya.
Mabilis niyang kinain ang distansya naming dalawa. Hiniklat niya ang isang braso ko at mabilis na tinaas iyon at pinaharap sa kanya.
"Stop lying Anisia!"
"I know you've heard it all. Huwag kang magsinungaling sa akin!" Madiin sabi niya.
"Y-you ask me why I did that? Walang rason Sir. I was trying to ease your pain. Yun lang iyon. "Sagot ko.
Binawi ko ang kamay ko sa kanyang. Ngunit nanatiling mahigpit ito. Tila wala siyang balak pakawalan ang aking kamay.
Kita ko ang pagkadismaya sa kanyang magandang mata. Sa Puntong ito pakiramdam ay gumuhit ang sakit sa aking puso. Ni hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito.
"Sino kaba talaga?!" Sigaw nito.
"N-nasasaktan ako Sir!" Halos madurog ang boses na sigaw ko.
Nasasaktan mo ako sir!" Umiiyak na ulit ko.
Binitawan niya ang kamay ko na tila sya napaso at humakbang palayo sa akin. Kumalag sa akin ang fossil bracelet na iniingatan ko.
Lumuhod ako at kinuha iyon. Ngunit bago pa ako makatayo upang umalis ay mabilis niyang kinuha ang balikat ko at idinarag ako sa malamig na pader ng opisina niya.
"Please tell me... Sino ka? Tell me who you are, Anisia?" His voice broke, my tears started to fall down from my eyes
“Walang gabing hindi ka sumagi sa isip ko, simula ng pumasok sa ka opisina ko. Now, tell me… sino kaba talaga!” Aniya. tila ba pinapaamin niya ako sa isang bagay na tama ang hinala nya.
Kita ko ang panghihina sa kanya. Kaya't mabilis ko siya naitulak. Sinamantala kong bawiin ang kamay ko sa kanya. At nag tagumpay ako. Kaagad akong tumakbo papalayo sa kanya.
Halos kapusin ako ng hininga. Nang makalabas ako ng elevator kita ko ang mapanuring mata ng mga tao sa akin.
Ngunit hindi ko iyon pinansin. Lumabas ako ng loob ng company. Malakas na ulan ang bumungad sa akin pero hindi ko ininda ang takot ko.
Tinahak ko ang malakas na ulan. Ang hapdi ng puso at ayoko ng ganitong pakiramdam.
"Punyeta ka! Dito lang pala kita makikita!" Sigaw ni kuya ng bumaba ito mula sa jeep.
Nang makababa ito ay kaagad niya akong hinila. Hindi nito ininda ang mabasa ng ulan. Pilit niya akong hinihila kung saan.
"K-kuya ano ba?!" Halos isigaw ko. Dahil masakit na ang pulso ko sa mahigpit na pag kakahak kanina. Ngayo'y mahigpit na naman iyong hinawakan.
"Putang—. Wala akong pera Anisia! Sinabi mong bibigyan mo ako oras na makapag trabaho ka! Asan na ang pangako mo?!" Sigaw nito sa pag mumuka ko.