2

1183 Words
Ang kasambahay ni Ate Rose ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Namangha naman ako sa bahay ni Ate Rose. Bukod sa mamahaling gamit sa paligid, talaga namang nakamamangha ang dingding nila na yari sa salamin. Kitang-kita ang buong siyudad sa labas. Kamuntik ko pang mabangga iyong malaking banga na nakatayo sa gilid. "Anne! Akala ko hindi ka makakarating." Nilingon ko si Ate Rose. Ang ganda -ganda niya lalo sa suot niyang bestida. Matingkad ang kolorete sa kaniyang mukha ngayon. "Pasensya ka na, Ate. Naipit ako sa trapik kanina tapos kamuntik pa akong maligaw," sagot ko naman. Bukod sa magandang suot niyang bestida, ang ganda din ng suot niyang sapatos at mga alahas. "Maupo ka muna. Gusto mo ba ng juice?" Tumango ako. Nauuhaw na din ako. At hindi naman araw-araw na makakatikim ako ng juice ng mayaman. Inutusan niya ang kasambahay na kumuha ng meryenda para sa akin. "Magmeryenda ka muna bago mo ako hilutin." "Kahit pagkatapos na lang, Ate. Inom lang muna ako at nauhaw ako. Ang hirap makarating dito. Sabi nila penthouse pero wala namang nakalagay na penthouse sa elevator." Natawa si Ate Rose. "Naku, pasensya ka na kung hindi kita nabigyan ng maayos na instruction." "Ayos lang, Ate. Syempre hindi mo naman aakalain na tanga ako." Keme akong tumawa. "First time mo lang. Hindi ka tanga. Ikaw talaga. Oh, uminom ka na muna." Nilapag ng katulong ang isang baso ng malamig na juice. Agad ko naman itong ininom, kaso hindi ko naubos sa isang tunggahan kahit na uhaw na uhaw ako. Sumakit kasi ang ulo ko, sobrang lamig kasi. Nagpahinga ako saglit bago kami nagsimula ni Ate. Sa silid na kami pumuwesto dahil may darating daw siyang mga bisita. Pupunta daw dito ang mga kaibigan ng kaniyang asawa. "Magpalit ka muna kaya ng damit. Parang mainit iyang suot mo." Nakasuot ako ng sweater. Wala na akong masuot dahil hindi pa kami nakapaglaba. Hindi pa kasi kami nakapag-igib. Nakikiigib lang kami. Wala kaming sariling tubig sa tinitirhan namin. Wala din kaming sariling ilaw. Nakikikabit lang kami sa kapitbahay namin. Kaso hindi kami nakapagbayad nitong nakaraang mga araw kaya pinutulan kami. Mababalik lang iyon kung makapagbayad kami nung balanse namin. Binigyan ako ni Ate ng tshirt at pantalon. Hindi na daw kasya sa kaniya kaya akin na lang. Tuwang-tuwa tuloy ako. May bago na akong damit. Ang ganda pa man din nito at bagong-bago pa. "Madami pa akong damit na hindi ko na kasya, ibibigay ko iyon sa'yo sa susunod na balik mo." Ang laki ng ngiti ko sa mga labi. Pagkatapos mahilot si Ate, inaya na niya ako sa labas. Nagulat pa ako nang makita ko ang mga guwapong lalake na nakaupo sa sofa. Mga kaibigan siguro ng asawa ni Ate Rose ang mga ito. Teka... Iyong isa ay iyong kasabay ko kanina. Iyong nan-trip sa akin. "Hi, Rose. Didn't know you have a guest," sabi niya kay Ate Rose. Guwapo siya pero ang nakaagaw ng aking pansin ay iyong seryosong lalake na nasa tabi niya. Mukhang may malalim itong iniisip. Ang guwapo! Ganoon ang gusto ko sa lalake. Iyong parang suplado at tahimik. Ayaw ko iyong malakas ang sapak na kagaya nitong lalakeng nakatingin habang nakangiti sa akin. Mukhang hindi niya ako nakilala. Sabagay, nakasuot kasi ako ng sumbrero kanina. Snabero, mukhang masungit, matangkad, guwapo at higit sa lahat. Siya na siguro ang nilaan ng langit para sa akin. Dito ko lang pala siya makikilala, e. Saglit siyang sumulyap sa akin. Mukha siyang suplado pero ang aking puso ay naghuhurementado dahil sa kilig. Ang mga mata niya. Gusto kong tumili. Naku, Anne! Maghunus dili ka. Saglit lang at binalik na niya ulit ang tingin sa kaniyang celphone. "What's her name?" tanong ng lalake. "Anne," sagot naman ni Ate. "Hi, Anne! I didn't know that you have a pretty friend, Rose." Ano daw? Plano pa yatang paduguin ng lalakeng 'to ang ilong ko, e. Tumawa si Ate Rose. Napatingin na din sa akin sina Kuya Ethan at iyong guwapong lalakeng kasama niya. Nagtaas sila ng kilay at napailing. Teka ano ba'ng pangalan niya? "Sa kusina lang kami," sabi ni Ate Rose. "Hindi daw makakapunta si Mommy, kaya bumalik ka na lang ulit bukas. Kahit hindi ka na magtinda bukas." Napangiti ako. Mabuti naman. Mas sigurado pa na may kikitain ako dito kay Ate. At bukas kaya nandito din iyong lalake? "Sige po, Ate. Salamat po." Pinaupo niya ako. Sabayan ko na daw muna siyang kumain. Ang sarap ng mga pinahanda niya kaya napadami ako ng kain. "Mag-uwi ka na din sa Amang at Inay mo." Napangiti ako. Kanina pa nga ako bumubuwelo, e. Nahihiya lang talaga ako. "Salamat, Ate. Ngayon lang po ako nakakain ng ganito." Nginitian niya ako. Naglabas din siya ng pera. Dalawang five hundred. "Ate, masyadong malaki 'to." "Para na din sa pamasahe mo. Saka hindi ka nagtinda ngayon, di ba?" "Dahil mapilit ka, Ate. Hindi ko na 'to tatanggihan pa." Tumawa siya. "Hayaan mo, Ate. Sa susunod ipagpalalaba kita. Sobra talaga 'to. Kapag may nagpapahilot sa amin, donasyon lang talaga ang binibigay nila." "Ikaw talaga. Okay na iyan. Basta bumalik ka bukas, ha?" "Oo naman, Ate. Alam mo hulog ka talaga ng langit, Ate. Medyo matumal na din kasi ang benta namin sa puwesto namin. Tapos plano ko na din ngang maghanap ng ibang pagkakakitaan." "Ganoon ba? Hayaan mo kapag may mga alam akong raket, sabihan kita. May celphone ka ba?" "Wala, Ate, e. Iyong keypad ko nasira na. Hindi na daw kayang gawin sabi n'ong gumagawa sa Quiapo. Pero puwede mo akong tawagan sa number na 'to." Hinanap ko iyong notebook sa aking bag. Nilista ko dito iyong number ng katabi naming puwesto at kapitbahay. Napatingin ako sa pintuan nang pumasok iyong isang kaibigan ni Kuya Ethan. Ang guwapo niya talaga kahit medyo suplado. Sinundan ko siya ng tingin. Lumapit siya sa prigider at kumuha ng tubig. Pati pag-inom niya ng tubig ang guwapo pa din. Pumasok naman iyong isa pa, nakangiti agad ito. "Hi, Anne!" bati niya sa akin. " Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas ito ng kusina. Tumikhim si Ate Rose. "Crush mo?" "Huh, hindi, Ate, ah. Ano pala ang—" Natigil ako sa pagsasalita nang pumasok iyong isang lalake. Nakangiti ito. Lumapit ito sa amin. "Hi!" Sa akin siya nakatingin. Nakangiti siya. "You know what? You look familiar." Ano daw? Ba't ba 'to ingles nang ingles? Merisi! Dudugo na talaga ang ilong ko. Palapit na ito sa akin nang hilain siya nang kasama niya palabas. "Hey!" "Tsk, we're here for work," sabi nito doon sa lalakeng papansin. "Nice to meet you, Anne!" Kumaway ang lalake. Napatingin ako kay Ate Rose. "Ate, ano'ng pangalan n'ong— "Si Craig..." Tumawa siya. "Iyong naka-blue, Ate." "Si Craig nga," sabi naman niya. Napansin kaya ni Ate na gusto ko si Craig? Ba't alam niya? Craig. Guwapo. Bagay sa kaniya ang pangalan niya. "Iyong isa ay si Marko. Iyong naka-green." Napatango ako. "Guwapo ni Craig, no? Crush mo?" "Huh?" Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Tumawa naman si Ate Rose. Craig. "Iyong isa naman, Marko." Kay Craig lang naman ako interesado, e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD