Dahil sa orasyon? Pati tuloy siya ay naguluhan dahil sa sinabi ni Anne. Dahil doon kaya laging laman ng kaniyang isip ang babae? Kaya hirap siyang matulog sa gabi sa kaiisip dito? Nakaramdam siya ng pagdududa sa sariling damdamin. Pinaglalaruan ba siya ni Anne? Gusto niyang matawa. Iyong brief niya. Lahat-lahat. Nakakatawa. Pero hindi niya iyon pinakita kay Anne. Kunwari ay galit siya dito. Pero ang totoo ay tawang-tawa siya. Tuwang-tuwa dahil kayang-kaya na niyang pasunurin sa mga gusto niya ang babae. Nang una, pagkatapos marinig ang inamin ng babae, nagduda siya, e. Pakiramdam niya ay nagayuma nga siya. Pero naalala niya iyong unang beses na pagtatagpo ng landas nila ng babae. Hindi pa no'n nawawala ang kaniyang brief, meaning, wala pang dasal na nangyayari. Pero noon pa lang,

