Ang gusto ko lang naman sana ay magpahinga na, pero hetong si Craig nakuha pang mag-inarte. "Akala ko ba makakatulog ka kapag katabi mo ako?" Hindi ko na mapigilan pang itanong. Nakaupo siya sa sofa dito sa kuwarto habang nag-c-celphone. Ako naman ay nakaupo sa gilid ng kaniyang kama. Ilang beses na din naman na kaming nagtabi sa pagtulog kaya parang wala lang ito. Hindi pa din siya gumagalaw. Nayayamot na ako. Ang gusto ko lang naman ay makatulog ng maayos. Masakit na ang ulo ko. Itong si Aling Ora, hindi pa nag-r-reply sa text at tawag ko kaya mas lalo akong problemado ngayon. Itatanong ko lang kung tuloy-tuloy pa din ba ang ginagawa niyang pagdarasal para makontra iyong orasyon ko kay Craig. Nangako siyang tutulungan niya ako, pero parang wala naman siyang ginagawa. Dapat

