Nagkatinginan kami ni Craig nang pumasok siya dito sa kuwarto. "Matulog ka na ulit," sabi niya. Tinabihan niya ako at niyakap. "Ba't nagpunta dito si Marko?" Tinitigan niya ako at matagal bago siya sumagot. "Wala iyon. Siraulo iyon." "Ba't kayo nag-away?" Tinitigan na naman niya ako. "Dahil ba sa akin?" Umiling siya. "Hindi. Matulog ka na. Huwag mong intindihin si Marko. Ako ang kasama mo, huwag mo muna siyang isipin." Hindi ko alam kung maniniwala ako kay Craig sa sinabi niya, dahil sa nakita ko kanina. Narinig ko lang kasi iyong pangalan ko pero hindi ko naman kasi naintindihan ang pinag-uusapan nila. Nakapikit na si Craig. Tulog na ata siya agad. Tingin ko naman, hindi magsisinungaling sa akin si Craig. Wala naman kaming lihim sa isa't isa. Lahat sinabi ko sa kaniya. Tin

