Pakiramdam ko may nagbago agad sa mukha ko dahil sa produkto na ginamit ko kagabi. Siguro kung sisipagan ko ang paggamit ng mga ito ay gaganda pa ako ng husto. Naligo na muna ako para makapagpahid na ulit ako ng mga produkto na binigay ni Craig sa akin. Bago ako matulog kagabi ay nagpahid ako. At heto nga, parang maganda nga ang mga ito sa aking balat. "Good morning, Anne..." Nilingon ko si Kuya. Nasa kusina na siya at nagkakape. Alas-sais y media pa lang pero gising na siya at handa ng pumasok sa trabaho. Nakakahiya at nauna pa siyang bumangon sa akin. Siya na din ang nagtimpla ng kaniyang kape. "Good morning, Kuya. Naku, Kuya pasensya ka na at late akong bumangon." "Maaga lang talaga ako ngayon. Ayos lang iyon. At saka alam kong puyat ka." Ha? Ngumisi siya. "Paano, aalis na a

