Tulala akong lumabas ng unit ni Craig. Parang ramdam ko pa din ang mga labi niya na gumagalaw sa aking mga labi. Napailing-iling ako. Hindi ko iyon dapat maisip. Hindi. At ang walang hiyang lalakeng iyon. Pagkatapos akong halikan, basta na lang akong iniwan. Teka. Hindi kaya nandidiri siya sa akin? Baka nga iyon ang dahilan kung bakit nagmamadali siyang pumasok ng silid niya. Baka sa mga sandaling ito ay nagmumumog na iyon at todo toothbrush. Ang kapal ng mukha niya! Hindi ko naman gustong magpahalik sa kaniya, e. Siya itong basta na lang nanghahalik. Hindi man lang ako pinakain. Kaunti pa man din ang kinain ko kanina, dahil akala ko pakakainin niya ako. Humanda ka sa akin. Hindi kita patutulugin. Dadasalan kita. Nagkagulatan pa kami ni Ate Rose sa sala. Nakaupo siya sa may sofa.

