27

1681 Words

Napangiti ako nang makita ko na nangingintab na sa linis ang mga gamit ni Craig dito sa kusina. Malinis naman ang bahay niya. Maayos at walang kalat pero iba pa din kung nalilinisan ng husto. Nagpunas ako ng aking noo na mayroong kaunting pawis. Hininaan ko kasi ang aircon dahil masyadong malamig kanina. Dapat nga, kapag umaga hindi na siya nagbubukas muna ng aircon. "Gutom ka na ba?" "Craig!" Napatalon ako sa gulat dahil sa paglapit ni Craig sa akin ng hindi ko man lang namamalayan. Nakatayo siya sa aking likuran. Dikit na dikit siya sa akin. Bahagya ko siyang tinulak dahil hawak niya ang dalawang braso ko. Bahagya pa niya itong hinahaplos. "Ano ba?!" reklamo ko dahil naiirita ako sa ginagawa niya. Nilingon ko siya at sakto namang nagdikit ang aming mga labi na kinagulat ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD