Pagdating ni Jess sa restaurant ni Zeo, sumilay kaagad ang ngiti niya sa labi nang makita sa 'di kalayuan ang kaibigan na may iniinom ito habang nakatingin sa labas ng restaurant. Kung hindi siya nagkakamali ay ang ampalaya shake ang pinaglilihian nito. Nang nasa tapat na siya ay maingat siyang naghila ng upuan. "Kanina ka pa, Ave?" Gulat na napabaling ito sa kaniya pero napalitan ng saya ang gulat na nakita niya kanina sa mga mata ng kaibigan. "Ngayon-ngayon lang, Jess. Alam mo bang nagtatampo ako sa 'yo, bruha ka. Hindi ka man lang nagpaparamdam simula nang nagkabalikan kayo ni Ken." Halata nga sa boses ng kaibigan na nagtatampo ito sa kaniya kaya tumabi siya rito at humilig sa balikat ng kaibigan. "Sorry bruha." Umismid ito sa kaniya kaya napatingin siya sa kaibigan at nakita niyang

