“Good morning, lover!" "G-Good morning," maang na tugon ni Jess sa pagbati ni Ken na nakatulog na sa mesa at bumaling siya sa mga magulang niya na nakangiti sa kaniya. Nawiwirduhan siyang nakatingin sa mga ito. "Anong nangyayari rito at bakit nakakikilabot ang ngiti ninyo, Ma, Pa?" nagtatakang aniya habang pinaghila siya ni Ken ng upuan para makaupo siya. She mouthed thank you to him na mabilis naman siyang kinintalan ng halik sa labi. "Masaya kami sa 'yo anak, ikakasal ka na." Napangisi na lang siya sa sinabi ng mga ito. "Yeah ikakasal na nga ako, Ma. Pero hindi pa ngayon." Napamaang ang mga itong nakatingin sa kaniya. “H-huh? Bakit? ‘Di ba dapat hindi na ninyo papatagalin ang kasal?" Hinawakan niya ang kamay ni Ken at sumulyap siya dito at ngumiti. "Ma, Pa.." Tumingin siya sa mga

