uwi. Ian’s POV “W-ag niyo kaming sasaktan. M-aawa po kayo. Buntis po ako,” mas lalong bumalong ang galit at takot sa puso ko ng marinig ko ang takot na takot na boses ng asawa ko. “Whoever the f*ck you are, don't you dare hurt my wife—or there will be hell to pay!” Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay kay laki ng mga hakbang namin palabas papunta sa mga nakaparadang sasakyan. Unang napaandar ni Uno ang sasakyan niya. “Ian, hop in! Bilis!” Nakabukas na agad ang pinto nito sa shotgun seat, agad na sumakay ako pagkasarado’y agad na pinaharurot ni Uno ang sasakyan paalis ng building. Sumunod ang iba kong mga kaibigan. “Seatbelt!” Untag ni Uno sa ‘kin. Mabilis kong kinabit ang seatbelt. Sunod-sunod na lumabas ang mga sasakyan ng mga kaibigan ko. Halos paliparin na ng mga ‘to ang sas

