Chapter 66 Agua’s POV “Lola!” Napabalikwas ako ng bangon habang tinatawag ko ang Lola. Malamig ang silid ngunit basa ako ng sariling pawis. Ang pangit ng panaginip ko. Nakita kong duguan ang Lola. Nasapo ko ang gilid ng ulo ng maramdaman ang kirot sa bahaging iyon. Naipikit ko ang mga mata, pinapahupa muna ang nararamdamang kirot hanggang sa dahan-dahan kong minulat ang mga ito. Ginala ko ang paningin sa paligid. Pilit inaalala kung nasaan ako naroon. Hindi pamilyar sa ‘kin ang silid. Lavender ang kulay ng pintura, malaki, maaliwalas at bakas ang karangyaan ng bawat bagay na nakikita ng mga mata ko. Sa kulay at disenyo masasabing babae ang nagmamay-ari ng kwarto. “Nasaan ako?” Wala sa sariling bulong ko. Muli’y inalala ko ang huling pangyayari bago ako napunta rito at ganun na l

