Agua’s POV “E lei quella che sposero? Hai ragione, è davvero bellissima. (Is she the woman I'm destined to marry? You were right—she's incredibly beautiful.)” Wala akong maintindihan sa sinabi nito. Una dahil ibang wika ang gamit niya, pangalawa wala sa sinabi niya ang atensyon ko, na sa nagpapakilalang tatay ko. “Tatay kita?” Gulat kong sambit. “Exactly,” tugon nito. “Naiintindihan mo ‘ko?” “Of course, we mastered your language,” nanatiling malamig ang tugon nito. “Bakit? Bakit ngayon ka lang nagpakilala?” Biglang sumikip ‘yung puso. Imbes na manabik ako dahil sa wakas ay nakilala ko na siya, inis at galit ang nararamdaman ko. “Lumina, took you and Celine from me.” Kung ano man ang dahilan ni Lola mukhang ginawa niya lang nararapat. “Bakit kailangan niyong gawin ‘to sa ‘kin

