Agua’s POV Muli’y mag-isa ako sa impyernong kinaroroonan ko ngayon. Nasa ibabaw ng kama habang yakap-yakap ko ang mga binti habang nakatitig sa kawalan. Diniin ko ang palad sa pisngi ko at Inis kong pinunasan ang mga luhang patuloy na bumabagsak rito, ayaw paawat, patuloy lamang ang pagpatak nila. Sobrang nasasaktan ako, tila dinudurog ‘yung puso ko. Nais kong question-nin ang Diyos kung bakit ganung klaseng ama ang binigay niya sa ‘kin. Sabik ako sa tatay sa mahabang panahon, sabik ako sa pagmamahal ng isang magulang. Nakilala ko nga siya pero bakit gan’to? Hindi ba't ang isang ama ang siyang dapat na nagpoprotekta sa anak nila? Bakit ang sa 'kin, siya pa mismo ang naglalagay sa 'kin sa kapahamakan? Sana pala hindi ko kailanman pinangarap na makilala siya at makasama, kung alam ko lan

