Agua’s POV Matapos kumain ay inaya nina Mr. Loriego at ang anak nitong si Ma’am Levi si Sir na maglibot-libot na muna sa resort. Nakasunod lamang ako sa likuran nila kasama ang dalawang bodyguards ni Sir. Abala si Sir sa pakikipag-usap sa mag-ama. Kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon upang kumuha ng mga litrato. Sayang kung papalagpasin ko pa ang pagkakataong iyon baka kasi ‘di na ako magkakaroon ng tsansa na libutin ang lugar. Sobrang nakakamangha talaga ang lugar, para s’yang postcard na nabuhay— ang malinaw na tubig ng infinity pool ay sumasalamin sa bughaw ng langit, at ang dagat sa ‘di kalayuan ay kasing linaw ng kristal na tiyak na makikita ang mga lumalangoy na isda kapag sisisirin. Ang paligid ay napapaligiran ng luntiang hardin na puno ng mga iba’t-ibang klase na mga bul

