Agua’s POV Habang hawak niya ang kamay ko’y unti-unting nagiging panatag ang puso ko. Nagawa nitong mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Buong akala ko’y habang buhay na kami sa himpapawid, iyon na yata ang pinakamatagal na isang oras sa tanang buhay ko, hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagbaba ng sinasakyan namin. Sayang nga lang at ‘di ako hinimatay– landi, Agua! Natatawa na lamang ako sa sarili na lahit naiinis ako sa kasungitan n’ya nangingibabaw pa rin ‘yung kilig. Isang oras lang ay narating na namin ang resort ng mga Loriego. Lumapag ang private plane sa malawak na lupaing sakop ng resort. Ganunpama’y nanatili ang mahigpit kong hawak sa kamay n’ya. “Still scared?” Maya-maya’y untag n’ya sa ‘kin. “Goods na,” mahinang tugon ko. “Bitaw na,” hindi ko agad nakuha a

