Chapter 15

1188 Words

Chapter 14 Agua’s POV “La, may meeting po si Sir sa Cebu ng dalawang araw,” panimula ko habang kumakain kaming dalawa ng hapunan. “O? Wala kang pasok?” Agad na tanong ni Lola. Kumuha ako ng kanin at nilagay ko sa plato ko. “Hindi, La. Magpapaalam po sana ako sa ’yo dahil isasama raw niya ako,” patuloy ko. Nahinto si Lola sa pagkain at saglit na nag-isip. Kumuha siya ng ulam at nilagay sa kanyang plato. “Tumango ka na?” Tanong n’ya. Bago ko pa isubo sa bibig ko ang laman ng kutsara ay sinagot ko muna ang tanong ni Lola. “Sabi ko lang po, okay, pero nagdadalawang-isip po talaga ako kasi nag-aalala ako sa ’yo dahil maiiwan kang mag-isa rito sa bahay, dalawang araw pa naman iyon. Kung ’di mo ako papayagan, sasabihin ko po kay Sir na ’di na lang ako sasama dahil wala kang kasama rito—”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD