Agua’s POV “Ian…” Sambit ko sa pangalan niya. Naiiyak ako. Hindi ko inasahan na hihingin niya agad ang kamay ko upang pakasalan. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko habang hinihintay ang sagot ni Lola, tila pinapanatag nito ang kalooban ko at pinaparating na wala akong dapat na ipag-alala. Mas lalo akong napaiyak nang maluha si Lola. Ramdam ko ang lungkot niya pero alam kong sa loob loob niya’y masaya siya dahil walang pag-aalilangan na pananagutan ako ni Ian. Tila nanghihinang napaupo si Lola sa sofa katapat namin ni Ian. “Lola…” Nag-aalalang tawag ko sa kanya. “Akala ko’y handa na ‘kong bitawan ang apo ko. Hindi pala ako kailanman magiging handa na bitawan ang aking Agua. Pasensya na Ian, hindi sa ayaw kong ibigay siya sayo, sa totoo lang masaya ako,” muling pumatak ang luha ni L

