Agua’s POV “Buntis nga kaya ako?” Hindi naman siguro posible na baka nabuntis nga ako ni Ian. Dalawang beses lang naming ginawa pero wala kaming proteksyon nang gawin namin iyon. Mabilis akong naghilamos. Kailangan ko munang makasiguro na buntis ako bago magsimulang mag-overthink. Ganun na lamang ang gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay seryosong mukha ni Lola ang sumalubong sa ‘kin. Nag-alis ako ng tingin sa mga mata niya, hindi ko kayang salubungin ang mga iyon. Wala pa man akong sinabi ay alam ko na agad ang nasa isipan niya. “Buntis ka?” Napayuko ako. Hindi nakaimik. “Sagutin mo ‘ko, Agua, buntis ka ba?” Hindi galit ang tono ng boses ni Lola, kalmado ngunit malamig. “Hindi po ako sigurado–” “Anong hindi ka sigurado? May nangyari na ba sa inyo?” Mariin akong napapikit. Aya

