Agua’s POV Naging maayos ang relasyon namin ni Ian. Hatid sundo niya ‘ko, sabay kaming mag-lunch ng luto ni Lola, dessert namin ang isa’t-isa, landi! Nakahiga ako sa kama habang nasa ibabaw ko siya, nakasandal ang ulo niya sa gitna ng dibdib ko, para siyang bata habang yakap-yakap ako habang nilalaro ng mga daliri ko ang buhok niya. “Baby,” untag niya sa ‘kin. “Hmmm,” tugon ko. Marahan siyang nag-angat ng tingin sa ‘kin upang tignan ako sa mga mata. “Tomorrow evening, we're having dinner at home.” Hindi ako agad naka-imik. Baka kasi mali ang pagkaintindi ko. “Home, sa ‘min?” “Sa ‘min.” Tugon niya. Tama nga ako ng pagkaintindi, sa bahay nila. Ewan ngunit kinabahan ako bigla. “Want you to meet my family, especially mom,” saad niya. Napatitig ako sa mga mata niya. Handa na ba a

