Agua’s POV D*mn, ba’t iba ang dating sa ‘kin ng sinabi n’ya? Kinikilig ako, sh*t! “Bigyan n’yo po ‘ko ng sapat na rason kung bakit gusto n’yo kong bumalik sa MHS, sir?” Saad ko na ‘di inaalis ang mga tingin sa mga mata n’ya upang makita ko kung nagsasabi siya ng totoo kasi ang mga mata hindi nagsisinungaling. Nanatili rin ang mga titig n’ya sa ‘kin. “I need someone as smart as you, as hardworking as you, as dedicated as you. Will that be enough reason for you to come back?” Diretso n’yang sagot. Pinipigilan ko ang sariling mangiti. Aminin ko napasaya n’ya ko sa maikli ngunit alam kung sincerong sagot n’ya. Sino bang empleyado ang hindi matutuwa sa sinabi n’ya at galing pa mismo sa pinakamataas na posisyon ng kumpanya. Ang sarap lang sa pakiramdam na sa maikling panahon na pagtatrasb

