Agua’s POV
“Gets na namin kung bakit ayaw mo ng sumama sa ‘min mag-lunch,” saad ni Dos.
“Maiintindihan naman namin kung sinabi mo–”
“Gago, sekretarya ko nga lang. Why not ask, Agua?”
“Yes, Sir, secretary lang po ako,” singit ko. “Kaya po sabay kami kasi shinishare ko po baon ko kay Sir Ian–”
“What?” Nagitla ako ng sabay-sabay silang sumigaw. Gulat na napahawak ako sa aking dibdip.
“Patay gutom ka na ngayon?” Baling ni Uno kay Sir Ian.
“Naghihirap ka na ba ‘tol?” Gulat na tanong ni Rafa.
“Nalulugi na ba ‘tong MHS?” Tanong naman ni Uriel.
“Ba’t ‘di mo sinabi pahihiramin kita ng one thousand hundred million gazillion dollars,” parang batang saad ni Thirdy.
“Of course not!”
“Nagustuhan niya po kasi nang minsang pinatikim ko siya—” nahinto ako sa pagsasalita ng tumahimik sila bigla at nagkatinginan sa isa’t-isa. Napaisip tuloy ako kung may nasabi ba akong mali.
“What the f*ck! It’s not what you’re thinking!”
“Hmmm,” sabay-sabay nilang saad. Tila ‘di kumbinsido sa sinabi ni Sir Ian habang ako’y walang ka-idea-idea sa naging reaksyon nila.
Napasinghap na lamang ako ng bigla niyang kwenelyuhan sina Thirdy at Rafa kamit ang magkabila niyng kamay.
“Let’s go out!” Ginawa niyang panulak ang kawawang Thirdy at Rafa. Napaatras naman ang iba pa patungo sa pinto palabas ng kanyang opisina.
“Bye, Agua!” Paalam nila sa ‘kin.
Ngumiti lamang ako.Grabe, ang kulit nilang magkakaibigan. Kung titingnan mo sobrang kagalang-galang pomorma yung tipong kusa kang iilag kapag nakasalubong mo sila pero potek daig pang elementary students sa kakulitan nila.
Ilang minuto ang lumipas ay ‘di pa rin bumalik si Sir Ian. Mukhang tapos na naman siyang kumain kaya niligpit ko na lamang ang pinagkainan namin. Matapos kong maglinis at maghugas at lumabas na ako ng opisina ni Sir.
Matapos ang lunch break ay nagsibalikan na nga iyong nagpapareceive ng mga documentong papapirmahan nila kay Sir Ian.
Isa-isa kong ni-receive ang mga ito.
“Pwede pakibilisan?” Saad ng isa.
“Isunod mo na agad sa ‘kin. Kay dami ko pang gagawin,” saad naman ng isa pa.
Kay laking gulat ko ng biglang may lumagapak na folder sa desk ko. Natigil ako sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa nagbagsak ng folder, si Sheryl. Tinaasan niya ‘ko ng kilay at kay talim ng tingin na pinukol niya sa ‘kin. Nayayamot na ‘ko sa babaeng ‘to. Swerte siya at bago pa lang ako dahil kung hindi makakatikim ‘to sa ‘kin.
“Konting pagpasensya pa, Agua,” kumbinsin ko sa ‘king sarili.
Mabait ako, oo dahil iyon ang turo ng Lola sa ‘kin pero tinuro rin n’ya sa ‘kin na matutong lumaban kapag naaagrabyado na lalo’t kung walang akong ginagawang masama sa kapwa.
“Unahin mo yan. Urgent ‘yan,” mando n’ya sa ‘kin na akala mo’y tagapagmana ng MHS.
“Okay, tatapusin ko lang ‘to. Naumpisahan ko na kasi,” mahinahon na saad ko. Nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha sa naging tugon ko. Kinuha ko ang folder niya at tinabi muna para maipagpatuloy ko ang pagpirma nang nauna sa kanya–” Natigil ako ng binato niya sa mukha ko ang folder kasunod ng pagsabog ng mga papel. Narinig ko ang pagsinghap ng ilang staff na naroon.
“Pagsinabi kong unahin mo. Unahin mo! Nakakaintindi ka ba ng urgent? Gusto mo tagalogin ko pa para sayo?” Napapikit ako. Tila nagdilim ang paningin ko. Ang sakit lalo ang parteng natamaan ng edge ng folder. Medyo makapal pa naman ang folder na binatoniya. Nagpupuyos na ang loob ko sa galit. “Ayusin mo ‘yan!” Pagkasabi’y tumalikod ito at lumabas. Malalim akong napabuntong hininga. Gustong palagpasin pero sobra ‘yung pagtapak niya sa pagkatao ko.
“Miss Agua, okay ka lang ba?”
“Saglit lang, ha?” Mabilis kong pinagdadampot ang mga papeles. Di ko na inayos at basta na lamang pinasok sa loob ng folder. Kesehodang nagkabali-baliktad o kaya’y nalukot. Wala akong paki kung pagkatapos nito ay tanggalan nila ako ng trabaho pero ‘di ko kailanman palagpasin ang pagmamalupit nila sa ‘kin.
“Anong department nga siya?”
“Sa Budget,” agad na tugon ng isa.
Kay laki ng mga hakbang ko na sinundan si Sheryl. Sa galit ko’y nalukot ko ang hawak kong folder. Punong-puno ang dibdib ko sa galit.
Sumakay ako sa elevator. Pinindot ko ang floor ng departamento ng hinayupak.
Pagbukas ng elevator, agad ko siyang nakitang nakikipag-apir sa mga kasama niya sa departamento. Naradaman ko ang mga mata ng iilang naroon. Kay laki ng mga hakbang kong tinungo ang kinaroroonan niya.
“Grabe ka naman!”
“Bagay lang ‘yun sa kanya. Mukha naman siyang basura–”
“Ms. Sheryl?”
Natigil sa pagtatawanan ang dalawang kausap niya. Namukhaan ko ang isa, siya yung kasama niya sa CR. Tinuro ako nito gamit ang nguso. Mapagmalaking nilingon niya ‘ko. Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib at masungit na tinignan ako.
“Tapos mo na ba–”
Natigil at nagulat ito ng malakas kong binato sa mukha niya ang hawak kong folder. Tiyak akong triple ang lakas ng pagkakahampas ko ng folder sa mukha niya kesa ginawa niya sa ‘kin. Wala ‘eh, galit ako. Ginaya ko lang kung anong ginawa niya. Sumabog ang mga papeles sa mukha niya at nagkalat sa sahig.
“What the hell!”
“Magpapapirma ka kay Sir hindi ayos ang dokyumento mo?”
“Miss Agua!” Sita sa ‘kin ng may edad na babae na lumabas mula sa babasaging pinto mula sa isa pang opisina na parte ng departament. Kilala ko siya siya ang head ng budget. “Anong ginagawa mo?” Nabaling ang tingin niya sa mga papel na nagkalat. “Wait? Is that our report, Sheryl?”
“Yes, Ma’am, basta na lamang niyang binato sa ‘kin,” naiiyak nitong saad, ang arte lang! Kung maka-asta sa ‘kin kanina akala mo’y kung sino matapang.
Inis na tinignan ako ni Ma’am Hernales.
“Miss, do you know what those documents are for?” Galit nitong saad sa ‘kin.
“Importante po ba ‘yan ma’am?” Kita ko ang paglukot ng noo niya. Halatang ‘di nagustuhan ang naging tanong ko.
“Of course! It’s for our monthly budget–”
“Kung ganun po gusto ko lang malaman mo na ginawa ko lang sa kanya ang ginawa niya sa ‘kin sa taas. Nauna po siya, binalik ko lang sa kanya. Pagkabato niya sa mukha ko, nagkalat ang mga papeles. Ako ba dapat ang mag-aayos ng kinalat niya? As far as I’m concerned it’s not part of my job description,” natigil si Ms. Hernales at hindi nakapagsalita. Binalingan ko si Sheryl. “Gusto ko lang sabihin po kay Ms. Sheryl na serbisyo po ang binabayaran sa ‘kin rito hindi po ang pagkatao ko. Ms. Sheryl, nag-highschol ka ba?” I asked her.
“Duh! I graduated with high honor in one of the prestigious school here—”
“Kung sa ganun po tiyak alam n’yo po ang Golden Rule? Do not do unto others what you don’t want others to do unto you, english yun gusto mo tagalogin ko?” Tinaasan ko siya ng kilay. Kay sama ng mga titig niya sa ‘kin. “Let me remind you as well, wala tayo sa teleserye na pumapayag na lamang ang bidang inaapi. Subukan mo ulit babasagin ko mukha mo,” napaiwas sabay harang ng isang kamay nito ng inumbahan ko ng suntok ngunit ‘di ko tinuloy. Binalingan ko si Ms. Hernales.
“Mawalang galang na po Ms. Hernales,” pagkasabi’y tumalikod ako at iniwan sila.
Nagmamadaling bumalik ako sa opisina. Hindi para magtrabaho muli kung hindi para kunin ang mga gamit ko at umuwi. Tiyak namang wala na ‘kong trabaho na babalikan pa pagkatapos ng ginawa ko kaya uunahan ko na lang sila. Isa pa ayokong manatili lalo’t pagkatao ko na ang inapakan nila. I know my worth, I don’t deserve this kind of treatment.
Pagsakay ko ng jeep saka lamang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit may mga taong kagaya ni Sheryl na masayang nakakaapak ng ibang tao. Nagtatrabaho lang naman ako ng maayos.
Nagulat si Lola pagkapasok ko ng bahay.
“Apo, kay aga mo yata?” Natigil si Lola ng bigla ko na lamang siyang niyakap saka napahikbi sa kanyang balikat.
“Bakit? Anong nangyari?”
Tanging hikbi ko lamang ang naging sagot ko. Hinayaan lamang ako ni Lola.
Matapos kong umiyak ay kwenento ko sa kanya ang nangyari.
“Tama lamang ang ginawa mo. Mas magagalit ako kung hinayaan mo siyang tapakan ka.”
“Hindi ka po galit na wala na akong trabaho?”
“Bakit naman ako magagalit? Trabaho lang ‘yan. Yun nga lang ‘di na yung kumpanyang pangarap natin pareho ang pagtatrabahuan mo pero alam kong may mas hihigit pa sa MHS, makakahanap ka rin agad. Sa ganda, sipag at talino ng apo ko, ang swerte ng kumpanyang mapapasukan mo,” napanguso ako.
“Mahal mo talaga ako.”
“Sobra,” inabot ni Lola ang pisngi ko at tinignan ako sa mga mata. “Sobrang mahal kita, apo. Higit pa sa buhay ko.”
Umakyat na muna ako sa kwarto ko habang nagluluto si Lola ng hapunan. Nakadapa ako sa kama. Naiwan ang isip ko kay Sir Ian. Mamimiss ko siya ng sobra lalo na ang pagsabay naming kumain maging ang pagsusungit niya. Tiyak galit na galit na ngayon si Sir sa ginawa ko lalo na ang pag-alis ko ng walang paalam pero ni katiting naman wala akong pinagsisisihan, mas magsisisi ako kung hinayaan ko lang ang babaeng iyon na tapakan ang pagkatao ko.
Naagaw ang malalim na pag-iisip ko sa pag-ring ng phone ko. Unregistered number ang tumatak sa screen. Agad ko naman iyong sinagot.
“Hello?”
“Hello, Ms. Suarez. Si Lui ito.”
“Sir Lui,” matamlay kong saad.
“Nasaan ka ba? Ba’t bigla ka na lamang nawala. Hinahanap ka ni Sir Ian.”
Hindi ko alam kung may idea na sila sa nangyari pero sa tingin ko’y ay hindi pa nila alam dahil bakit hinahanap pa rin ako si Sir.
“Sorry, Sir pero hindi na po ako babalik po d’yan–”
“Bakit? Dahil ba sa ginawa ni Sheryl?”
Hindi ako sumagot.
“Pumunta ka muna rito. Ang problema pinag-uusapan hindi tinatakbuhan.”
“Basta po, Sir. Ayoko na pong bumalik. Maghahanap na lang po ako ng ibang trabaho po. Pasensya na po.” Pagkasabi’y pinatay ko ang tawag. Nag-ring ito muli ngunit ‘di ko na ito sinagot.
Nakailang ring na ito ngunit ayaw pa rin tumigil nila kakatawag sa ‘kin. Iba’t-ibang numero na nga ang ginagamit nila. Naiinis na ‘ko kaya pinatay ko na lamang ang cellphone.
Bumaba ako, iniwan ko ang cellphone.
“Tulungan na po kita, La,” tumulong na ‘ko sa paghiwa sa mga sangkap na gagamitin ni Lola sa lulutin niya.
Matapos ay pumunta ako ng sala at nanood ng TV.
Napalingon ako sa pinto ng may kumatok.
“May inaasahan ka bang bisita, La?”
“Wala naman apo. Pagbuksan mo na lang.”
Tumayo ako at tinungo ang pinto. Nagulat ako ng pagbukas ko’y agad na bumungad ang mukha ni Sir Lui.
“Sir Lui? Ba’t po nandito kayo? Buo na po talaga ang desisyon ko. Ayoko na pong bumalik–”
“Agua,” nahinto ako sa pagsasalita ng marinig ko ang maawtoridad na boses na iyon–a rich baritone that resonated with authority yet carried a warmth that drew me in. Na kahit nakapikit ay makikilala ko kung sino ang nagmamayari niyon. Gumilid si Sir Lui. Dumiretso ko ang tingin ko sa lalaking nakatayo ilang pulgada ang layo sa ‘kin. Hindi siya nag-iisa kasama niya ang ilan sa mga body guards niya ngunit angat sa lahat ang kanyang presensya at ang tindig na walang sino man ang hindi mapapatitig.
“S-sir…”
Umanbante siya, kahit ang simpleng paghakbang niya’y nakakahigit ng hininga. He stared at me. Ang klase ng titig na tila binabasa ang bawat sinasaad ng mga mata ko para naman akong nahipnotismo, ‘di ko maalis-alis ang mga mata sa kanya. Gusto ko ang nakukuha kong atensyon sa mga mata niya.
“I want you back.”