Chapter 5

1003 Words
Agua’s “Yes, Sir! Coming!” Agad rin siyang nawala sa linya. Mabilis na tumayo ako at kinuha ang dala kong baon para pananghalian namin ni Sir. “Ms. Suarez, unahin mo na lang muna ‘tong sa ‘kin–” “Sa akin rin, Ms. Suarez–” “Ito nalang sa ‘kin. Kailangan talaga ‘to ng head ko, please–” “Pwede balik na lang kayo after lunch. Gutom na kasi alaga ko. Of course unahin muna natin ‘yung nagpapasweldo, okay? At isa pa, sa tingin ko may gana pa mag sign ni Sir kung guto?” “Oo nga, tama naman. Balik na lang tayo after lunch.” Sang-ayon ng isa. “Oo nga.” “Sige-sige. Balik na lang ako.” “Sige. Bye!” Pagkasabi’y nagmamadaling tinungo ko ang pinto ng opisina ni Sir. May narinig akong bulungan ngunit ‘di ko na narinig at maintindihan lalo ang utak ‘koy na kay Sir na. Pagkapasok ko’y nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Nakaupo ito sa kanyang office chair, nakasandal ang likod sa sandalan nito at may video call. Agad siyang nag-alis ng tingin sa ‘kin at muling binalik ang mata sa screen ng kanyang cellphone. Dumiretso ako sa pantry upang ihanda ang mga pagkaing dala ko ngunit habang inaayos ko ang lamesa’y hindi ko mapigilang makinig sa usapan nila ng mga kaibigan niya. “Hindi ka pa rin makakarating? Nagdududa na ‘ko sa ‘yo, Montefalco!” “Pasensya na marami lang talaga akong kailangan tapusin lalo’t ilang araw rin akong mawawala sa opisina. ‘Yaan n’yo babawi ako pagbalik ko. Sige na, marami pa akong inaasikaso–” “Babae ‘yan, tiyak! Pustahan!” Singit ng ibang boses. “Pusta ko Supra ko!” Singit ng isa pa. “Ako itlog ko, bilyon ‘to ‘di na kayo lugi sa genes nito,” saad ng isa pa. Bahagya akong natawa ngunit agad ring naputol ng mabaling ang tingin sa ‘kin ni Sir. “Over use naman,” muling natawa ako ngunit palihim na. Napaisip ako ang saya siguro ng barkadahan nila pakiramdam ko nagiging ibang tao si Sir Ian kapag itong mga kaibigan niya ang kasama. Sobrang layo kasi sa nakasanayan kong istrikto at seryoso. “Gago ka, Uno! Parang ‘di pamilya, ah!” “Mga gago! I’m too busy to f*ck!” Saad naman ni Sir Ian. Sh*t! Ang expensive talaga pakinggan. “‘Tol, magkakabarkada na tayo ‘di pa tayo pinanganak. Sa babae lang natin ipagpapalit ang isa’t-isa!” “Bahala kayo d’yan. Need to go now, bye!” May sinabi pa ang iba ngunit pinatay na kaagad ni Sir Ian ang tawag. Napapailing na lamang si Sir Ian. Napatingin siya sa gawi ko. “Kain na po, Sir,” aya ko sa kanya. Mula sa pagkakasandal ng likod niya sa kanyang office chair ay tumayo siya. Tinanggal na. muna nito ang suot na coat. Nilagay niya ito sa sandalan ng upuan saka siya lumapit. Nagsimula agad kaming kumaing dalawa ngunit sa kalagitnaan ng pagkain namin bigla na lamang bumukas ang pinto. Sabay na napalingon kami ni Sir sa mga taong magkakaksunod na pumasok. Napaawang na lamang ang mga labi ko at napatulala sa tindig at gwapo nilang taglay. Walang sinumang mga kauri ko ang hindi mapapahanga at mapapanganga sa kanila. Totoo kaya silang lahat? “Sabi ko na!” "Hayop! Sa wakas!" “Nice, safe itlog ko!” Hula ko siya si Thirdy. Wala sa itsura pagiging loko-loko nito. “Why the f*ck are you here?” Sita ni Sir Ian sa kanila ngunit ‘di siya pinansin ng mga ito. Mas lalo akong nagulat ng magkakasunod nila akong nilapitan at isa-isang nagpakilala. “Uno.” “Rafa.” “Uriel.” “Zap.” “Thirdy, pinakagwapo,” sinasabi ko na. “Rain.” “Dos.” Pilit na ngumiti ako. Naguguluhan kasi ako kung anong nangyayari. Bakit isa-isa silang nagpapakilala? "Agua," ani ko. “Swerte mo, Miss. Sobrang bait n’yan,” saad ni Uno. "Oo!" Segunda nilang lahat. “Sa bait n’yan nagdo-donate yan ng dugo kahit ‘di kailangan ng pasyente,” saad ni Uriel. “Pinapabring home pa,” singit ni Thirdy. “Powta! Dinuguan!” “Anong pinagsasabi n’yo!” Singit ni Sir Ian. “Minsan nga pumunta kami sa isang patay sindi. Nakita niya ‘yung babae walang saplot. Hinubad niya damit niya pinasuot niya sa babae baka raw lamigin,” saad naman ni Rafa. “Ang bait, talaga,” segunda naman ni Dos. “Will you please stop that sh*t!” Ngunit tila ‘di nila narinig si Sir Ian. “Sa bait niya pa kinuha niya yung isda sa aquarium, baka raw malunod,” saad naman ni Thirdy. Natahimik ang iba nilang mga kaibigan. “Waley.” Mahinang saad ni Rafa. Bahagya akong natawa. “Ginawa mo namang bobo, tol,” saad ni Uno. “Eto! Sa bait niya, nakita niya ‘yung sign board na don’t step on the grass, ayun naglakad gamit kamay,” si Uriel naman. Nakakatawa sila sobra pero ang mas nakakatawa seryoso ang pagkakasabi nila. Napaatras silang lahat ng tumayo si Ian. “Magsilayas nga kayo bago ko kayo ipapakaladkad palabas dito,” kay lakas ng pagkakasabi ni Sir Ian at galit talaga ang boses ngunit ito ang unang beses na ‘di ko maramdaman ang takot lalo na ng mga kaibigan niya. “Hoy, pangit ng ugali mo,” saad ni Uno. “Pinapabango nga namin pangalan mo,” saad nman ni Uriel. “Tinutulungan ka na nga,” saad naman ni Rafa. “Andito girlfriend mo–” “Anong girlfriend? She’s, my secretary!” Bulyaw ni Ian sa kanila. Natigil naman ang mga ito. Pinaglipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Sir Ian. “Secretary, pero sabay kumain?” Singit ni Dos. “You never eat with other women, Ian unless she will become your dessert after.” “Shut the f*ck up, Rain!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD