Agua’s POV Kinuha niya ang magkabilang binti ko at inikot ang mga iyon sa balakan niya. Dinala niya ang mga barso ko sa balikat niya kasunod ng pagyapos niya ng mga braso niya sa katawan ko. Nang maramdaman ang pag-angat ko ay humigpit ang pagkakayakap ng mga braso ko sa leeg niya habang nanatiling angkin namin ang labi ng isa’t-isa. Habang karga niya ‘ko ay nagsimula siyang humakbang, nagpaubaya ako, wala na ‘kong paki kung saan niya ‘ko dadalhin. Masyadong abala ang utak ko sa pagtugon sa mga halik niya. Gustong-gusto ng ko kung paano siya humalik, ginagambala nito ang mga nilalang sa puson ko. Kung ipahintulot nga’y kahit habang buhay niya ‘kong halikan ay ‘di ko tatanggihan. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbaba namin. Nakaupo na siya ngayon sa pahabang sofa habang ako’y nasa kan

