Agua’s POV Hinapit niya 'ko sa baywang, sa lakas ng paghila niya bumangga ang katawan ko sa dibdib niya. Humigpit ang yakap niya sa baywang ko dahilan ng pagkakadikit ng katawan naming dalawa habang hawak hawak ng kabilang palad niya ang pisngi ko at mas diniin ang labi sa labi ko, dama ko ang pananabik niya, dama ko ang panggigigil niya at ang gawi ng paghawak niya sa ‘kin ay yung tipong ayaw niya ‘ko bigyan ng pagkakataong makawala at tumanggi sa nais niya. Ang braso niya’y tila kadenang nakagapos sa katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko, hindi agad nagproseso sa utak ko ang kapahangasan niya. Gulat na napatitig ako sa kanya. My eyes were wide open while his remained shut, habang marahang ninanamnam ang pag-angkin sa labi ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko, hindi makagalaw, hin

