Agua’s POV Kay tagal kong nakatulog ngunit kay aga kong nagising. Naunahan ko pa nga ang human alarm clock ko na si Lola. Hindi naman halata na excited akong pumasok, noh? Naligo ako at nagbihis. Isa-isa kong tinignan ang mga damit na binili ni Sir kung may pwede bang isuot sa opisina. Napatingin ako sa mga bikining binili niya para sa ‘kin. “Wear those bikinis and nothing else para gaganahan akong magtrabaho.” Naalala ko ang sinabi niya sa ‘kin sa sasakyan. Subukan ko kaya baka effective. Nakagat ko ang ibabang labi habang nangingiti, napapailing na lang rin ako sa kalandian ko. Nakuha ang atensyon ko sa isang tube black dress. Hapit ito sa katawan at ang haba’y ‘di lalagpas sa tuhod. Sinuot ko iyon at pinatungan ng puting blazer. Napangiti ako ng makita ang sarili sa salamin. Mas

