Agua’s POV Neastatwa ako sa gulat sa ginawa niya habang tinitigan ko siya. Nakapikit ang mga mata nito habang angkin niya ang mga labi ko. Tila bumagal ang pagproseso ng utak ko. Hindi makapag-isip. Akala ko ba—pero heto’t buhay siya, gumagalaw at nilulunod ako sa mga halik niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at mas diniin ang labi niya sa labi ko. Nagsimula siyang gumalaw, naghahanap ng pagtugon ko sa mga halik niya. Nagsusumigaw ang isang parte ng utak kong pigilan at itulak siya ngunit paano ko susundin ito kung bawat hagod ng labi niya’y nilalasing ako, kung bawat galaw niya’y nagpapanabik sa ‘king tumugon, kung gustong-gusto ng katawan ko ang mga halik niya? Hanggang sa nakita ko na lamang ang sariling natatangay sa bawat hagod ng mga labi niya sa mga labi ko. Wala sa sariling na

