Chapter 77 Agua’s POV Tuloy-tuloy ang pag galing ni Lola hanggang sa tuluyang nakalabas na siya ng hospital at maiuwi ng bahay ngunit kailangan niyang i wheelchair dahil sariwa pa ang operation niya. Dahil sa nangyari ay binenta ni Ian ang bahay na tinutuluyan namin bago ako nakuha ni Alessandro at lumipat kami ng bahay. Nagdagdag rin siya ng security sa bago naming tirahan. Hindi pa kasi kami pwedeng lumipat sa pinatayo niyang bahay dahil hindi pa ito tapos pero malapit na raw at excited na rin ako. At dahil na rin sa nangyari ay takot na ‘kong lumabas rin na hindi siya kasama. Pakaramdam ko kapag ‘di ko kasama si Ian laging nanganganib ang buhay ko. Kahit nga lang si Ian at walang security, pakiramdam ko safe na safe na ako kasi iyon ang pinaparamdam niya sa ‘kin lagi, na kapag nan

