Lola Ming’s POV “Non provi pietà per lui? (Hindi ka ba naaawa sa kanya?)” Sa panahong nakasama ko si Celine naging malapit na siya sa ‘kin. Isa pa kababayan ko siya kaya sobrang nakaramdam ako ng awa sa kanya. Sa ilang taong nasubaybayan ko ang mga naging kapalaran ng mga babae sa casa ngayon pa lang natatakot na ‘ko para sa maging buhay ni Celine matapos manganak. Ibebenta, pagpapasa-pasahan at kapag hindi na kumikita nililigpit. “Mi conosci, Lumina. Sono incapace di provare misericordia. (You know me, Lumina. I am incapable of mercy)” malaming niyang saad, walang bahid na kahit na anong emosyon ang pagkakasabi niya. Matalim ang titig niyang tumatagos sa kawalan— matigas, walang habag. “E ancora tua moglie, e la madre di vostro figlio, avete condiviso una storia insieme e, in qualche

