Chapter 43

1966 Words

“Let’s go, Mia. ‘Wag mong sabihin na magmumukmok ka na naman dito? Aba, kapag ganyan ka ng ganyan eh magiging lumba-lumba ka na. Wala ka ng ginawa kung hindi ang kumain ng kumain at matulog. At para saan pa at gumagastos tayo sa bakasyon na ‘to kung magkukulong ka lang dito araw-araw?” Mahabang litanya ng Mama niya. “Hindi mo na na-enjoy ang bakasyon na ‘to. ‘Yan ba talaga ang plano mo sa two weeks natin dito?” Hinawakan niya ang tenga niya at kunwari’y naririndi sa sermon ng Mama niya. “Sweetheart, ang aga aga naman niyan! Hayaan na muna natin si Mia. Baka masyado lang siyang napagod sa trabaho at ngayon lang bumabawi ng pahinga,” sabat naman ng Papa niya. Nakairap na bumaling ito rito. “Naku, kaya ganyan ‘yang anak mo eh. Lagi mo na lang ipinagtatanggol. Tingnan mo at halos hindi na y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD