Napakurap-kurap siya habang nanlalabo ang mga mata dahil sa luhang ayaw tumigil. Kanina pa siya nakasubsob sa kama. Ang Mama at Papa niya ay itinuloy ang pamamasyal pagkatapos nilang bumisita sa columbarium at nag-alay ng dasal para kay Lorraine. Kailangan daw nilang sulitin ang bawat oras na kasama nila si Lucas. Dahil sa susunod na linggo ay kukunin na sa kanila ang pamangkin niya at dadalhin sa US. Muling sumama sa kanila roon ang Daddy ni Lucas kahit ayon dito ay ito ang una nitong pinuntahan nang malaman ang pagkamatay ng pinsan at ilang beses din bumalik doon sa pag-asang makakuha ng anuman impormasyon tungkol sa anak nila. Naabutan din nila roon ang Ninang Abigail niya na sandali lang nag-stay dahil baka mahuli daw ito sa flight niya pabalik ng Pilipinas. Hindi siya makapaniwa

