“Sweetheart, tama na. Tingnan mo mugto na ang mga mata mo,” alo ng Papa niya sa Mama niya dalawang araw mula nang kunin sa kanila si Lucas. “Dadalawin na lang natin si Lucas ng madalas.” Muling humikbi ang Mama niya at itinakip ang mga palad sa mukha at lalo itong humagulhol ng iyak. Naaawa naman lumapit pa rito ang Papa niya at hinayaan isubsob nito ang mukha sa dibdib nito. Habang marahan nitong hinaplos-haplos ang buhok ng Mama niya. Tahimik niyang pinagmamasdan ang mga magulang. After all the pain, masaya pa rin siya na nakikitang maayos na ang mga magulang at kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Araw araw ay patuloy na ipinapakita at ipinaparamdam ng Papa niya kung gaano nito kamahal ang Mama niya. At lagi itong nakahanda para damayan ito at ni minsan ay hindi ito umalis

