“Balita ko, si Sir Ken na ang susunod na ikakasal sa kanilang magkakaibigan, ah!” Narinig niyang tsismisan sa loob ng pantry. Hinihintay niya lang na dumating si Ken para pormal na ibigay dito ang resignation letter niya. “Sana naman ay matuloy ng ikasal si Boss, ‘no?” “Bakit naman hindi?” “Eh ‘di ba nga dati, ni-reject daw ni Ms. Mia ang marriage proposal no'n?" Napaangat siya ng tingin nang marinig ang pangalan. Hindi niya kita kung sino ang mga nag-uusap dahil nasa private room ng pantry siya naroon. At hindi rin visible sa labas kung may tao sa loob. “Ay, totoo ba ‘yon? Naging sila pala talaga? Narinig ko nga ‘yon. Pero ‘di ba parang lately lang ‘yon, not even a year ago?” “Parang…Sayang ‘di ba? Swak na swak pa naman ang tandem no’n dalawa. Imagine kung paano lalong nakilala an

