Jasper pov Ako na kaya ang pinaka masaya na lalaki ngayon. Habang karga karga ko ang bagong silang na anak namin ni Bella. Ang malaman ko na babae ang magiging anak halos hatakin ko na ang buwan para lang masilayan Anh mukha ng anak namin at ngayon ito na nga ang ganda ganda niya. Sila na ngayon ni Bella ang kayamanan ko dahil hindi ko kayang mabuhay na wala. “Anak pahawak sa apo ko." Ani ni mommy sa akin. Ngumiti ako at binigay ko si Brianna Jill sa kanya. Nang mag labor kanina si Bella nakita ko kung gaano nag alala si mommy 0ero nandon din ang excitement sa mata niya. Wala akong kapatid na babae kaya sabik si mommy na magkaroon mg apo na babae. “Ang ganda ganda niya anak, kamukha mo siya. Para siyang si Jasper liit na babae. “ Masayang saad ni mommy. Wala pa ang mga biyenan ko dahil

