“Ang cute cute talaga ng princess ko." Nakangiting sabi ko habang nilalaro ko ang maliit na kamay ng anak namin ni jasper na si Brianna Jill. Tatlong buwan na mula ng ipanganak ko siya at masasabi kong mahirap at hindi pala madali maging isang ina. Lalo na sa katulad ko first time mom. Mahirap pero masarap maging isang mommy, dahil nawawala lahat ng pagod mo kapag nakikita mo ang anak mo. Mula ng manganak ako, si Jasper na ang nag asikaso sa salon na pinatayo namin ni mommy at ang lagay na rin siya sa tabi nito ng coffee shop. Siguro na isipan niyang mag patayo ng coffee shop dahil nasubukan na niyang magtrabaho sa ganun. Naging successful din kasi ang salon at hindi ito nawawalan ng customer sa araw araw. “Gutom ka na ang prinsesa ni mommy huh?” Ani ko kay yana. Napakislot pa ako ng b

