Vaughn Jasper Monticello pov Hindi ko mapigilan ang mapaluha habang nakatingin sa babaeng mahal ko habang lumalakad ito palapit sa akin. Ang ganda niya sa suot niyang trahe de boda. Kahit pa natatakpan ang mukha niya ng belo ay hindi iyon naging hadlang sa angking ganda na meron siya, Napangiti ako ng makita ko ang pag silay ng ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. Mula pa noon bata kami alam ko na siya na ang babaeng mamahalin ko at hindi na iyon magbabago dahil noon pa man ng una ko siyang makita, inukit ko na siya sa puso ko. Inukit ko ang pangalan at mukha niya dito sa puso ko. Pinunasan ko ang luha ko ng nakakapit na siya sa akin kasama ang mga magulang niya na naghatid sa kanya. “ Jasper, alam ko na mahal mo si Bella, at sana hindi magbago ang pagmamahal mo na meron ka s

